Pa rant at pa advice naman po mga mie
First time mom po ako na parang nawawalan ng karapan sa anak ko haha umaga palang kinukuha na samin ng byenan ko tas hapon na ang uwe samin tapos konting iyak lang ng baby ko to the rescue na agad sya hindi ko tuloy makuha oh makabisado kung ano gusto ng anak ko tas pag nasamin at nakatulog kinukuha nanaman nya kasi yung duyan ng baby ko dun sa kanila nakakabit uuwe lang samin yung baby ko pag matutulog na sa gabe at pag katapos ko paliguan para tuloy akong nagiging yaya nalang ng anak ko haha gets ko naman na unang apo nila pero syempre first time mom din ako na sabik at gustong matuto pag dating sa anak hindi ko tuloy alam ang gagawin ko hahaha may ka same cases po ba ko dito?