First time mom
First time mom po ako, 3months pa lang po ako at napapansin po nila ko na namayat, Dahil sa sobrang selan ko sa pag kain naisusuka ko lang po. May possible po ba sa 4th to up months ko mawala na yung pag duduwal ko? At madagdagan na timbang ko? Any recommended po para madagdagan Ang timbang. Thankyou
hello Mommy. same po tayo noong first trimester ko. I lost so much weight din po and na experience ko rin yung pag susuka at sobrang maselan sa pagkain. and it's normal po. however, kailangan nyo pong kumain ng healthy for you and baby. e try nyo pong nag fruits during this moment po. next trimester, magiging okay din. babalik din appetite and normal weight. or lalaki pa po. God bless po our pregnancy journey. Praying for our healthy baby. 😇
Magbasa paSame po tayo. Kahit kanin di ko makain. Bumaba din timbang ko last check up sa OB ko. Ang dami din masakit lalo na ulo laging nahihilo. Ni-recommend po sakin ng OB na mag take ng milk for pregnant. And ituloy lang ung pre-natal vitamins.
Yes. Sobrang selan ko din nung 1st trimester as in mayat maya ako nasusuka at masakit tyan feeling ko lagi bloated ako kaya konti ko kumain nun. Ngayon 5mos na ko wala na yung pagsusuka. Naduduwal na lang ako pag sobrang busog hihi.
yes, maaaring mawala na ang morning sickness sa 2nd to 3rd trimester. mag iincrease ang timbang kapag kumain ng tama at sapat. kailangan din para sa paglaki ni baby sa sinapupunan.
nagloss weight po ako nun First Tri, same case maski tubig isusuka ko noon. Ngayong patapos na second Tri ko po, back to normal ang kainan at weight gain na po ako
ganyan ako noon 36kg bumagsak timbang ko sa sobrang selan at suka pag dating ng second tri at third tri ko nako po laki ng tiyan bigla lakas kumain
bawiin mo na lang miii sa anmum, or any brand ng gatas for momss ganyan din me eh di ako makakaen kaya sabi ng OB ko bawiin sa gatas hahaha
Nangayayat din ako nung 1T, 4kgs nawala sakin kahit water sinusuka ko. Nakabawi naman sa timbang half ng 2nd trimester.
Either pumayat ka, importante ang nutrients ni baby, prenatal vits at anmum para makatulong kay baby.
I was advised by my OB to take ginger candy para malessen yung pagduduwal.