Bawal ba ang juice at street foods sa breastfeeding mom?

first time mom here, habang nasa hospital pa ako nang matapos manganak noong Aug. 14 sabi ng doctor na kahit ano pwede na kainin h'wag lang cup noodles/instant noodle. Ngayong nandito na ako sa bahay maraming pinagbabawal sa akin yung mother in law ko Pang merienda ko lang sana kanina kase natakam ako mula nung nagbuntis ako iniwasan ko talaga ang mga ito. • Kayo po ba mga mommy na nagpapabreastfeed din umiinom ba kayo ng juice (Nestea/Tang Juice)? •Street foods tulad ng fishball, kikiam, at fries bawal ba ito sa bf mom?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

umiinom ako ng juice pero yung red juice moms since pang bfeeding yun. iwas po sa mga too sweet drinks like yung tang (taas ng sugar content nito) minimize ang intake ng tea, coffee, cola, soda or any carbonated drinks kasi nakakalessen ng milk production.. best to drink fresh fruit juices. more more water. streetfoods- kumakain naman ako pero in moderation and make sure na malinis lang kasi mahirap magtae dahil bawal ang loperamide sa bfeeding. better na kayo na lang magluto ng fishballs etc. kumakain din ako ng fries pero tikim lang (unlike dati na nauubos ko talaga) parang nasanay na yung katawan ko na hanggang tikim na lang ako basta alam kong unhealthy foods. akala kasi natin na once nanganak na ok na pero mas maselan kasi lalo pag bfeeding. lahat ng kinakain natin napupunta rin sa bmilk na madedede ni baby..kaya ingat ingat din po tayo. pwedeng kumain basta sakto lang.

Magbasa pa