Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mom of a lil cutie
HFMD nahawa ba kayo?
Hello mga parents na nagkaron anak nila ng HFMD? Nahawa ba kayo sakanila? Hai magpapasko pa naman sana mild lang ung sa anak ko na HFMD.
Help naman po sa malikot na toddler pano magbehave haha
Mga mi share naman kayo ng experience nyo sa 2-3yrs old nyo. Grabe ganito ba talaga kalikot at kakulit? Ok na sana ko sa sobrang daldal kaso grabe maglikot kahit nasasaktan na tuloy pa din. Naipit na nga sa pinto kalikutan di pa nagtanda 😅 tapos akyat dito tumbling doon. Babae pa anak ko kala ko behave pag ganito haha tapos madalas pasaway ayaw makinig o kaya pag sinuway mo lalong ginagawa . Nirereverse psychology ko nalng para magtigil kaya lang maya maya iiyak na magtantrums. Huhu magiging behave pa ba ganito? kasi may pamangkin ako mag7yrs old na ganun pa din pasaway pa din 😂 Nagiisip na kong iteraphy para magbehave char haha Help
Pano ba masurvive ganto hahah
Ako na introvert tapos yung anak ko apakadaldal na mag3yrs old. Ubos lagi social battery ko hahahah may times na ayoko magsalita kaso apakadaldal talaga haha Kami lang kasi lagi naiiwan sa bahay pati lola nya .
Hemorrhoids o almoranas sa baby
Possible ba na magkaron ng almoranas ang 2years old girl? May ilang araw na nagrreklamo anak ko pag dumumi sya masakit daw tpos kanina lang nakita ko na may onti na excess skin sa may pwet nya dun mismo sa labasan ng dumi. May times na mapula pero di lagi. Ano pede gawin mga mii bago ipacheck up ?
Deworm or purga sa toddler
21 months old po toddler ko Bali nagask ko kay pedia kelan ideworm ang anak ko and pwede na daw kaso mejo hesitant ako sa dosage. Yung pedia nya kasi ngayon 10ml for 3days nireseta Yung sa iba kasi 5ml for 2 days lang. Nagguluhan ako kasi same brand naman tpos 20mg/ml. Tpos binasa ko ung leaflet either 5ml for 2 days or 5ml 2x a day for 3 days. Stress na ko
PPD TEST OR PRIMARY COMPLEX
Hello mga mii meron po ba dto na may toddler (1yr 8months) ang result ng xray ay no findings tapos nagpositive sa PPD test? Ginamot nyo na po ba agad anak nyo or nag pa 2nd opinion pa po kayo? Meron kasi ako nakkita na test (quantiferon) not sure kung yan nga tawag pero mas accurate daw sya than PPD or skin test. Wala kasi sakit baby ko ngayon then symptoms lang nya is underweight, picky eater, monthly nagkakasipon or ubo after nyang magkapnuemonia, may kulani (not sure if swollen lymph nodes). Pero 3 months na sya walang sakit or ibang narramdaman.
Hindi hiyang formula
Trying to mix feed my exclusive breastfed baby kaso parang di hiyang pediasure. Ako lang ba ganito? Parang lagi sya di makatulog ng ayos pagising gising. Mukang back to ascenda nalang kmi hehe
Teeth at 16 months
Mga mi yung baby ko 6 palang ngipin mag17 months na sya this june. Okay lang ba yun? Need ko na ba sya ipacheck?
Walang gana solid foods
Walang gana kumain ng solid foods si LO. Kahit ano ipatry namin sakanya ayaw nya. Magana naman sya kumain noon. Panay dede naman sya at kumakain ng biscuit. Pero pag solid onti subo lang ayaw na. Nakavitamins naman sya. Tapos habang naglalaro bigla nalang iiyak. Panay dede sya sakin ngayon tapos ang clingy. Posible kaya dahil pa din sa patubo na ngipin o baka may bali? Nilagnat din sya nung isang araw. Balak ko ipa pedia waiting lang sa sched.
Weight gain baby girl
Hello mga mii any tips po for weight gain ni baby? 7.9kgs po kasi sya mag 1yr old na. Nagkasakit din kasi sya every month mula nung september tpos ang likot pa kaya ang bagal ng weight gain feeling ko. Breastfeeding po kami Vitamins ay nutrilin at ceelinplus Thank you in advance 🙂