Nag-cheat yung boyfriend ko during my pregnancy. Bibigyan ko pa ba ng second chance?

First of all po, gusto ko lang po sana mabasa ung opinyon nyo po and I'm not here para mag-gain ng judgement. ASK KO LANG PO: If bibigyan ko po ba ng second chance para magbago ung jowa ko? Nag cheat at nakipagtalik po sya sa iba and ang dahilan nya po is "buntis po kasi" ako at natatakot syang mabunggo nya yung bata sa loob kaya siya nakipag sex sa iba. Yes, alam ko pong hindi ito katuwiran. Pinagsisisihan naman daw po nya yun, ask ko pang po kung pano po gagawin, kung bibigyan ko ba ng chance alang alang sa pinagbubuntis ko. Di ko na po alam gagawin :( Help!

41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag mo muna istressin sarili mo, hinga ka muna malalim, saka mo na isipin yan, pakatatag ka, kung kaya mo mag work after mo manganak o may work ka mas okay. nakatikim na ng minsan babalikan niya pa yun. may chance ka pa tumakbo, uulitin pa niya yan. di pa naman kayo kasal. kaya mo yan.

VIP Member

Advise ko lang sau mi, is mag pray ka hilingin mo na bigyan ka ni lord Ng sapat na reason kung ilelet go mo ba Ang Asawa mo or bigyan Ng 2nd chances, puso mo Ang pakinggan mo wag Ang opinion Ng ibang tao, 1st of all kayo Naman Ang nagsasama, Ikaw Ang mas nakakakilala sa Asawa mo.

choice mo pero cheating is not tolerable. Yubg asawa ko nag bibiro ng ganyan sakin. Binantaan ko talaga siya, kayang kaya ko mag isa buhayin yung bata if ggwa sya ng maling desisyon kung di sya makapag hintay, hiwalayan nalang nya ako. Suporta nalang ibigay nya okay na saken.

Wag na. Kasi malaki ang posibilidad na uulitin at uulitin niya yung ginawa niya. Cheating is cheating tapos ang usapan. Mahirap yung bigyan mo siya ng second chance pero palagi ka lang rin mapa-praning na baka humanap na naman siya ng ibang makaka-sex. Wala na yung tiwala.

di niya naman kailangan makipagtalik sa iba kung loyal sya sau handa sya magtiis para na rin sa ank mo ,,mas mahirap naman kasi kapag nakipagtalik sya sa iba bukod sa niloloko ka pa niya mahirap kapag nakabuntis pa siya ng ibang babae,,kaya niya ba yun panagutan?

bobo yung asawa mo mi . kelan pa nabunggo ng t*ti ang baby . dahilan lang nya yan nagloko sya period. mamaya yung ginalaw nya may sakit mahawa kapa at yang baby mo. once a cheater always a cheater magloloko at magloloko yan

Cheating is cheating mii . pero eto ha , rest mo muna ang pusot isip mo . give him time kung talagang magbabago sya . be ready lng sa mga posible consequences pag nagpatawad ka .. Virtual hugs po ❤

Hindi po reason enough yun para magcheat sya sayo. Just think of it, if maging mister mo sya, ilang beses ka pa mabubuntis in the future. So, maghahanap naman sya ng ibang parausan?

my opinion everytime: You deserve what you TOLERATE. Cheating is cheating. I actually dont believe in giving second chances in regards to that matter. I've learned the hard way.

Magbasa pa

Kung sakin hindi ko na bibigyan ng second chance yan! kasi nagawa nya na baka maulit lang yan dahilan nya na lang siguro yung kasi buntis ka 😒 ano sya gold!