Maglalabas lang ng sama ng loob.
Hi! First mom here hihi! Hirap maging first time mom. Lalo na pag walang tiwala yung mga nakapaligid sayo. First, yung biyenan ko. Lahat ng kilos ko papakialaman. Wala namang masama mangialam kasi syempre need ko rin ng tulong minsa. Pero yung way niya, is pangingialam na kung tawagin. As in lahat, to the point na hindi ko na ramdam na nanay ako ng anak ko. I understand na sabik siya sa apo or anak na babae kasi lahat ng anak at apo niya lalaki. Kami lang ako swerte na nakapagbigay ng babae. Pero sana naman alam niya yung limitation niya. Lahat ng desisyon gusto niya siya nasusunod. Susuotin ng anak ko, pati binyag siya nagdesisyon ng date. Pag kakargahin ko anak ko, sasabihan ako na wag ko daw kargahin kasi masasanay. Pero siya panay karga sa anak ko. Pag ilalabas ko, sasabihan ako na hayaan ko daw na humiga sa loob para hindi masanay sa karga. Pag nasa loob naman sasabihin na bakit ko daw kinukulong anak ko. Diba ang gulo!? Pag igagala anak ko kaylangan magpaalam pa sa kanya. Halos hindi ko mahawakan anak ko. Siya nagbibihis, nagpapaligo at nag aasikaso na kaya ko namang gawin. Ang sakit pa magsalita, magkaiba kami ng way ng pag aalaga kaya pag kinukontra niya ako may mga nasasabi siya na hindi ko gusto like "ayan aanak anak kasi hindi naman marunong mag alaga" diba? Anong karapatan niya para sabihin yung ganun! Basta sobrang dami pa. And ngayon, hindi ko na kaya magtiis. Nagdecided kami ng husband ko na dun nalang kami muna sa parents ko. Tapos ayun galit na galit saken. Bakit ko daw ilalayo yung apo niya. Sinumpa pa kami na hindi na daw kami makakabalik sa bahay nila. Tapos ngayon nasa bahay na kami, magulang ko naman yung problema ko. Magkaiba din kami ng way ng pag aalaga, kaya ayun lagi akong nasisita. Lahat ng kilos saken, kasi nag stop ako magwork. Konting pahinga lang ako, tapos sasabihan na ako na " isa pa lang tong anak mo hindi mo na maasikaso" dibaaa!? Magpapahinga lang ako saglit. Mula umaga hanggang gabi inaasikaso ko yung anak, yung husband ko. Lahat ng gawaing bahay na halos wala na akong pahinga tapos ganun pa maririnig mo! Kakadede lang baby ko, kaya minsan naglalaro na akala nila nanghihingi lagi ng gatas sasabihan ako "timplahan mo nagugutom, bat mo tinitipid yan sa gatas" kaya ayun ako timpla tapos hindi naman dededehin kasi nga hindi naman nanghihingi. Pati oras ng pagpapaligo at pagpapakain na alam ko, pinapakialaman. Ewan ko! Sobrang gulo! Kaya napag isip isip namin ng husband ko na bumukod na talaga para wala ng problema. But for now, ipon muna. Hays idk wat to do!