Finally, I can share my own experience now. ?
Sobrang kabado na ako dahil malapit na sa due date but still no signs of labor. November 2, Saturday morning, ginising ko asawa ko kasi may lumabas ng dugo sa akin at nananakit na balakang ko. Pero, nang i-IE ako, ang taas pa daw. So, uwi ulit kami, pero throughout the day panay ang sakit ng balakang ko hanggang puson. Pero, tiniis ko kasi sabi ni doc baka Monday pa ako manganak. Madaling araw ng Sunday, at about 2:30 am akala ko napaihi ako yun pala panubigan ko na. So, gising ko ulit si hubby at punta na agad kami sa hospital, kaso 1cm. pa lang daw ako pero pumutok na panubigan ko at napadumi na si baby sa loob. Walang doctor that time so, need pa namin lumipat sa ibang hospital. At 5:00 am, dun sa nilipatan namin na hospital, the doctor said na need na ako i-CS kasi di na kaya ng trial labor kasi baka makain na ni baby ang dumi niya. I was so nervous that time, all I did was to pray and wish that everything will be fine. At 5:58 am, a loud cry was heard in the operating room and it was the cry of my little one. My heart jumped for joy! Thank you, Lord! Welcome to the world, Yves Margrette! ?