Close ba si Daddy kay Baby?
585 responses
Ofw si pap so sa video call lang sila nagkakausap. Happy naman ako kasi tuwing nagvi- videocall sila ng papa nya marinig palang nya boses ng papa nya tuwang tuwa na sya 🥰😍 kaya kahit saglit lang sila nagsama simula nung pinanganak ko sya ngayon 15th month na sya kilala nya papa nya ❤️😍
Si baby ang hindi close sa daddy, wala kasi lagi daddy nya nasa trbho, and when my baby's new born hindi ko masyado pinapa alaga kay daddy para may time mag pahinga galing trbho
Yes mas close ang baby ko sa Daddy kaysa sa akin na laging kasama Pag click ng Door Alam na Alam na niya na sino ang dumating na eexcite talaga hehehe... She is 9 months
Hindi gaano sila ka close, kasi lagi g wala si Papa ng anak ku sa amin. Pero pag uwe ng papa kinakarga nman c babay kaso di mag tatagal iiyak,ako ang hahanapin.
close si Tasha sa papa namin,palinga linga yan pag marinig boses ng ama animo'y matagal silang hindi nagkita...
Closed naman kaya lang mas madalas ako talaga hinahanap niya. Mas hands on kase ako kaysa sa daddy niya.
wala kazi ama ni elijah hnd nia kapiling ang kanyang ama dahil nasa malayong lugar nagtatrabaho..
yes, they are close and so am I. Hati. 8am to 5pm ang working hours ko and si tatay nya ay 3pm to 11pm. Meaning, pag wala ako sa morning, si tatay nya ang katabi nya so nagkakaroon sila ng time magbonding; maglaro lalo na't si hubby ang nagpapaligo sakanya everyday. Then iiwan na nya sa mother ko bago pumasok, iidlip lang si baby at pagising nya ay sya namang pagdating ko galing work. ♡
close sila ng daddy nya kapag dumarating na galing ng work yayakap na agad tas magsusumbong hahaha
mas responding makipag usap at sumasagot si baby sa tuwing kinakausap siya ng papa niya
hindi po sla close kase nanganak ako 10 days na syang nasa Taiwan dna sila nagkita
First time mom. ❤