Kakayanin kaya ni hubby na panoorin ka sa delivery room?

825 responses

Private hospital kami and nagtanong na kami sa OB ko hindi siya makakasama sa delivery room maski labor room dahil nagbago na ng protocol ang hospital since nagpandemic, although gusto sana namin 2 na magkasama kami para rin makita nya ko habang nagle labor at si baby paglabas sa delivery room

ako tatanungin maganda nga kasama sya para malaman gano kahirap mag labor at manganak hindi yun pag 2years na daw baby namin sundan na daw namin.. alanghiya palibasa hindi sya yung nabubuntis at na nganganak ..
Pumasok sya sa delivery room para mag take ng photos pero namumutla na sya.. 😂 Kaya ung Anesthesiologist ko na lang kumuha ng pictures at naupo na lang sya sa tabi😂
tragis na yan kinaya nya nga gumawa ng bata. pag labas titingin lng sya d pa nya kaya..
Kaya nya makita kaso di daw allowed ng hospital. Sayang kasi kahit willing to pay extra kami not allowed ng private hospital as per their protocol.
gusto ko sana kasama sya para makita nya hirap. ngaun pa lang natatawa na ako sa magiging reaksyon nya madiriin kc sya at matatakutin😂
hindi ko alam pero nahihiya Ako na Makita nya aqng umiire baka kc sobrang panget q nun haha 😂
Isa aqng Midwife momsh working sa Government Hospital it's my 2nd baby na nung 1st baby q Hindi q xa pinapasok sa loob khit pwd naman Basta naka suit xa to prevent the sterelity pero ayaw q tlaga xa Makita that time na on labor aq cguro sa sobrang sakit.. pero totoo talaga hindi mo na maiisip qng anong itsura mo qng sobrang sakit na at palabas na si baby 😅👶🏾
100 % po na sure. sa first baby po kasi namin andon sya sa tabi ko at nakita nya kung paano ko nailuwal si baby boy 🥰😇
hindi ko alam, kasi wala naman sya sa tabi ko once na manganak na ako. 35 weeks and 2 days excited na lumabas si baby heheheh
Gusto nya sguru manuod kaso LDR kami ngayon kaya minsan gnagawa nalang namin videocall tapos kinakausap baby bump ko 🥰