STRETCHMARKS

Expected ko namang magkakaron ako ng stretchmarks no matter how hard I try to prevent it using moisturizing and anti-SM products because of my skin type and genes pero iba pala talaga kapag nakita mo na sya. Nag uumpisa pa lang na lumabas nalungkot na ako hanggang sa sabi ko, wala na talaga. It's going to be with me na forever unless ipa-laser ko pa, pero wala naman akong planong gawin. Kailangan ko lang tanggapin at laging isipin na dyan ang bahay ng baby ko for 9mos. It is because God gifted me a life inside kaya nagkaganyan. Pasalamat na rin ako sa asawa ko na wala lang talaga sa kanya yan, kinakantahan pa nya ako para matawa ako at laging sinasabi na "sus wala naman yan. O ano, si baby o yan?" Syempre tatawa na ako at gagaan loob. Hay.. Thank God pa rin, palatandaan to ng regalo nya na habang buhay kong ipagpapasalamat. Team May nga pala here. 3 weeks na lang. Ingat sa mga May batchies ko.. God bless us all!

STRETCHMARKS
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Maglilight pa yan sis pag labas ni baby. Apply lotion pag nakapanganak ka na. Tsaka okay lang yan ako din ganyan eh. Alam ko yan ang palatandaan ng pagiging ina ko hehehe. Tsaka yung partner ko pa nga sinasabi sakin daw pinakamagandang tyan kasi andun daw baby namin oh di ba like nun sayo 🥰🥰🥰

It's all worth it 😊 hindi mo na maiisip yan lalo na pag lumabas na baby mo.