My waterbirth story

Expectation vs. Reality Sabi nga nila, malalaman mo lang ang kahalagahan ng isang INA pag NANAY ka na din. I wanna share my water birth story to you guys. Una sa lahat, gusto ko lang malaman niyo na hindi lahat ng nanganganak via waterbirth ay mayaman at artistahin😁. Kita naman ang diperensya ohhh! 😀 Gusto ko lang din talaga ma experienced kasi pang apat na panganganak ko na yan, Yung tatlo danas ko na kung gaano kahirap kasi lahat sila normal delivery via induce labor🥰 (ang saketttt) Kaya naisip ko bakit hindi ko kaya i try ung waterbirth, suggestion na din kasi yon ng o.b kung napakaganda at npkabait.. (ngbbigay ng malaking discount)🥰 At eto na nga, walang pagsisisi na naganap nung naitry ko, kasi sobrang sarap lang... Sa apat na beses kong panganganak eto talaga ung masasabi kong napaka ginhawa ko. Yung tipong pagdating mo sa clinic, sa labor room palang talagang ang sarap sa pakiramdam. May nag aassist sakin, may naghihilot, nag mamassage, at syempre ang pinakamasarap sa lahat ay kasama ko si mister sa loob ng room. Kasama ko siya sa lahat ng sakit, ng kirot at hilab ma dinadanas ko sa mga oras na yon. First time ko maranasan yon, kase sa ospital bawal. Ang sarap sa pakiramdam na habang nahihirapan ka sa labor, andon yung partner mo para damayan ka. Yung habang naglalabor ka pwede ka pa kumain, na hindi mo kailangan matakot na baka makapoop ako habang umiire. Wala akong swero na sagabal sa pag-ire at pagtuwad ko kapag humihilab na at kailangan ng umire. Sa waterbirth din ang pinakamabilis kong panganganak na umabot lang ng 3hrs. Compare sa una na 16hrs😔. Pero syempre, hindi ibig sabihin nun na hindi nako nasaktan at nahirapan. Kasama talaga palagi sa panganganak ang masaktan at bilang nanay lahat ay kaya kong tiisin para sa anak ko. I'm sure all of us will do the same. Sa water birthing ko napatunayan ang lubos na pagiging ina ko, dahil lahat ng sakit natiis ko ng walang pain reliever o kahit na anong injectionsn para matulungan akong ilabas c baby. Lahat yon ay nagawa ko ng masaya kahit napakasakit, kase alam kong nsa tabi ko lang ang asawa ko at ang mga nakapaligid sakin kaya sigurado akong hindi nila ko pababayaan. Kaya bilang ina, sobrang proud ako sa sarili ko. Hindi man ako kasing ganda ni colleen garcia habang nasa loob ng pool atleast parehas kaming nanganak sa pool. Char! Haha🤣🤣 Akala ko kasi pag ng waterbirth ako magiging kamukha ko rin ang mga nakikita kong celebrity na talaga naman ang ganda pa din while on labor and in pain. Pero hindi pala, kase ako parang sinabong lang ng manok ang itsura sa sobrang hirap at sakit. kaya biktima ako ng "Expectations vs.Reality" just kidding! Haha Kaya para sa lahat ng ina, saludo ako sa ating lahat. Mapa normal delivery, cesarean section o water birthing pa yan alam kong malakas tayong lahat. Kaya lahat ng uri ng sakit ay kaya nating lampasan kse NANAY tayo.

27 Replies

hello I will have water birth din this Jan. So nice to share your story 😊

kaya mo yan Momsh🥰🥰🥰

Gusto ko den to water birth kaso wala ata dito sa lugar namin nan

congrats po..sna all mkpg water birth😍😊Godbless po s inyo🙏

congrats mamsh😊normal delivery ako since my first baby.,kapapanganak ko dn last march kya lng namatay po baby ko ds june lng...pero d kami nawalan ng pg asa mamshie.,currently preggy at 7 weeks...aja sa lahat ng mga nanay😊😊

Hi. Congratulations po. How much po naging package ninyo? :)

Sino po vbac doctor mo sis. Congratulations!

VIP Member

Congrats mommy! Dream ko din yang water birth. 😊

thanks momsh❤

masakit pa din po ba kahit water birth?

VIP Member

Dream birth ko ito. kaso ayaw ni mister huhu

looks like Dra. Escuadro 🥰

yes po c Dra.Escuadro nga🥰

congrats po 😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles