My waterbirth story

Expectation vs. Reality Sabi nga nila, malalaman mo lang ang kahalagahan ng isang INA pag NANAY ka na din. I wanna share my water birth story to you guys. Una sa lahat, gusto ko lang malaman niyo na hindi lahat ng nanganganak via waterbirth ay mayaman at artistahin😁. Kita naman ang diperensya ohhh! 😀 Gusto ko lang din talaga ma experienced kasi pang apat na panganganak ko na yan, Yung tatlo danas ko na kung gaano kahirap kasi lahat sila normal delivery via induce labor🥰 (ang saketttt) Kaya naisip ko bakit hindi ko kaya i try ung waterbirth, suggestion na din kasi yon ng o.b kung napakaganda at npkabait.. (ngbbigay ng malaking discount)🥰 At eto na nga, walang pagsisisi na naganap nung naitry ko, kasi sobrang sarap lang... Sa apat na beses kong panganganak eto talaga ung masasabi kong napaka ginhawa ko. Yung tipong pagdating mo sa clinic, sa labor room palang talagang ang sarap sa pakiramdam. May nag aassist sakin, may naghihilot, nag mamassage, at syempre ang pinakamasarap sa lahat ay kasama ko si mister sa loob ng room. Kasama ko siya sa lahat ng sakit, ng kirot at hilab ma dinadanas ko sa mga oras na yon. First time ko maranasan yon, kase sa ospital bawal. Ang sarap sa pakiramdam na habang nahihirapan ka sa labor, andon yung partner mo para damayan ka. Yung habang naglalabor ka pwede ka pa kumain, na hindi mo kailangan matakot na baka makapoop ako habang umiire. Wala akong swero na sagabal sa pag-ire at pagtuwad ko kapag humihilab na at kailangan ng umire. Sa waterbirth din ang pinakamabilis kong panganganak na umabot lang ng 3hrs. Compare sa una na 16hrs😔. Pero syempre, hindi ibig sabihin nun na hindi nako nasaktan at nahirapan. Kasama talaga palagi sa panganganak ang masaktan at bilang nanay lahat ay kaya kong tiisin para sa anak ko. I'm sure all of us will do the same. Sa water birthing ko napatunayan ang lubos na pagiging ina ko, dahil lahat ng sakit natiis ko ng walang pain reliever o kahit na anong injectionsn para matulungan akong ilabas c baby. Lahat yon ay nagawa ko ng masaya kahit napakasakit, kase alam kong nsa tabi ko lang ang asawa ko at ang mga nakapaligid sakin kaya sigurado akong hindi nila ko pababayaan. Kaya bilang ina, sobrang proud ako sa sarili ko. Hindi man ako kasing ganda ni colleen garcia habang nasa loob ng pool atleast parehas kaming nanganak sa pool. Char! Haha🤣🤣 Akala ko kasi pag ng waterbirth ako magiging kamukha ko rin ang mga nakikita kong celebrity na talaga naman ang ganda pa din while on labor and in pain. Pero hindi pala, kase ako parang sinabong lang ng manok ang itsura sa sobrang hirap at sakit. kaya biktima ako ng "Expectations vs.Reality" just kidding! Haha Kaya para sa lahat ng ina, saludo ako sa ating lahat. Mapa normal delivery, cesarean section o water birthing pa yan alam kong malakas tayong lahat. Kaya lahat ng uri ng sakit ay kaya nating lampasan kse NANAY tayo.

My waterbirth story
27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wow congratulations po! I saw 42k only? Is that including Doctor’s professional fee and hospital po? Kasi I just recently gave birth via CS, 45k for my Doctor’s PF, Hospital bill is 70+k then my baby has to stay in the hospital because of yellowish so she had 60+k included Pedia’s PF and hospital’s Bill. Sobrang naubos lahat. Share naman bill nyo po kasi ayaw ko nang manganak but my husband wants 3 kids but if this would be less painful maybe I would consider this water birthing.

Magbasa pa
VIP Member

Wow congratulation mamshie🥰 yan din like ko maranasan sana e waterbirth pero dami nga nag sasabi pang mayaman etc. hahaha kaya thank u for sharing ng story mo dito mamshie🥰❤️

3y ago

42k po sakin less philhealth pa🥰

VIP Member

congrats! gusto ko din sana mag waterbirth kaso sabi nila pricey 😅 napanood ko yung kay Coleen and it was truly serene and magical! 😍God is really great! Bless you and your baby 😊

3y ago

no mommy almost same lang po sila ng NSD. push na yan mommy

Natawa naman ako sa post mo mamsh!😅😅😅 Congratulations po and someday sana maexperience ko rin ito. Btw, ano pong name ng ob niyo and where po located?😅

3y ago

hi Mommy N.ecija po ako Dra. Escuadro po ob ko🥰

VIP Member

pangarap ko din yan. kaso wala ata vbac advocate dito sa batangas..since cs ako sa panganay ko,nag ask ako sa ob ko hindi daw nagnonormal

wow! 😯 bet ko rin sana matry through water birth kay dra. donna. kaya lang no budget hehehehe 😁

ask klng po cnu nakaranas dto ba nid ng xray ung abdominal shield para saan po ba un

Congrats mommy. sana ako din ma-approved ng hospital ang water birth ko❤️🙏🏻

3y ago

Kaya mo yan Mommy🙏🙏🙏🥰🥰🥰

VIP Member

kay doc bev ko nakita yang waterbirth at nainlove ako. kaso ang layo nya 😔

haha congrats sis!! gusto ko din ng water birth pero wala ata dito samin.