pa vent lang po
Ewan ko ba, kasabay ng masamang panahon eh iritable ako ngayon. I'm 30 weeks pregnant at iritang irita ko ung asawa ko kasi lagi naka headphones. Yes, I understand na need niya makaconcentrate kasi WFH siya kaso madalas ko nakikita siyang maglaro kesa magtrabaho 🤦 Sinabi ko sa kanya na napagod ako sa paglalaba ng damit ni baby pero waley, ako pa rin ang nagsaing at nagluto ng ulam. Sinabi ko din sa kanya na hirap na ko maghugas ng pinggan kasi malaki na tyan ko at malayo layo yung gripo at di ko na masyado maabot pero waley pa rin, ako pa rin gumawa. Dati naman nagkukusa siya pero ewan ko ba, lately, naadik sa laro wala na.. minsan uutusan ko lang kunin sa baba ang order na food nagmamaktol pa kasi gusto niya pagbaba niya andun na agad ung rider.. nagdadabog kapag natagalan siya sa baba mag antay... Kaya ngaun wala, ako ang bumababa para kumuha ng order. Naiirita na ko sa kanya.