Breastfeeding Problem

Hi everyone. Justa question regarding breastfeeding. Ilang weeks po kayo after child birth bago naging okay ang pagpapadede? As in yung ok ang supply and comfortable si baby sa breastfeeding. Our baby is now more than a week pero konti pa rin lumalabas na gatas, although we are doing our best to breastfeed kasi yun talaga gusto namin, kaso parang laging di sapat sa kanya ang gatas, umiiyak siya ng umiiyak kaya napipilitan kaming bigyan siya ng formula milk sa sobrang awa kay baby. Lalo na pag lumuluha na siya, pati kami lumuluha na rin. We followed some of the suggestions we've read and researched, from paginom ng pinagkuluan ng malunggay at sa mismong pagkain nito, to hot compress, natalac food supplement, unli-latching kay baby, milo drink, increased water intake, massage and all pero konti pa rin po talaga. Anyone experiencing the same?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo. Baby ko is 1 week old palang. So far mix din kami ng formula at breastmilk. Tapos ayaw nya maglatch sakin kasi mas satisfied sya sa bottle na malakas agad yung labas ng milk. So far ang ginagawa ko is pump talaga ng milk every 3 hrs. Nakakapagod pero feeling ko naman may improvement. Every 3, 6, 9 12 (am and pm) ang pumping session ko, sabay ng feed ni baby. 2 days ago, mga 50 ml per session lang nappump ko, ngayon mga nasa 100ml to 125ml na. Goal ko is lumakas talaga milk production ko para maglatch si baby.

Magbasa pa