every time na lang na magkakamali ako yung tita ko ikinukwento ako sa mga kapitbahay namin. ultimo may kagat ng lamok si baby, bakit mapipigilan ko ba yung lamok na kagatin baby ko? di naman every time mababantayan ko lalo na't kami lang dalawa sa bahay ni baby. madami pa sya sinasabi sakin hinahayaan ko na lang. bawat mali ko kinabukasan topic nako ng tsismisan. ano magagawa ko first time ko maging nanay, imbis na turuan ako feeling ko dinadown pa ko. minsan kunwari di ko na lang narinig na ikinukwento nia ko sa iba para wala na lang away. galit na galit sya nung yung byenan ko chinismis ako isa din pala sya sa magdadown sakin. kapag nagsabi ka sya pa masama loob. hirap magkunwari na wala kang alam sa mga sinasabi nia sa iba.