Sa palagay mo, may epekto nga ba ang lindol sa baby sa womb?

Voice your Opinion
MERON
WALA

1500 responses

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nung buntis ako pinagbasa ako ng tubig basta magbasa daw ako kahit saang parte , naghugas ako ng paa saka naghilamos nalang ako kasi hindi ako makaligo that time dahil bumabagyo sobrang lamig. sumunod nalang ako wala naman mawawala at nagpray ng nagpray na okay si baby. at okay naman si baby 10months old na siya ngayon going to 11 months august 18 malapit na may 1yโ€™o๐Ÿฅบ๐Ÿค

Magbasa pa

sakin, naglalaba ako di ko naramdaman lindol.๐Ÿ˜… tas pinaligo ako kahit nakaligo na ko ng maaga nun ๐Ÿ˜… or kahit buhos lang daw ng tubig sabi ng lola ni hubby. Wala nman po mawawala kung maniniwala tayo sa matatanda ๐Ÿ‘๐Ÿ˜Š stay safe satin mga momsh, at sa mga babies natin ๐Ÿ‘ถ๐Ÿ’–#18weeks&4days na kami.

madami pong pamahiin , at sabi sabi ng mga nakakatanda, pero iba pa rin pag may pananampalataya ka sa Dios. kasi sya Lang naman po nakakaalam ng lahat. magtiwala Lang po tayo sa dios. Hindi po nya tayo pababayaan lalo na mga baby natin sa sinapupunan ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

Nong hindi ako preggy manhid po ako sa lindol talaga pero yung kanina naramdaman ko sya ng bongga at ang tagal ng hilo ko at nakaramdam ako ng nerbyos.. Di tulad nong hindi pa ako buntis wala ako pakiramdam sa lindol.. Thanks god na din po at safe tayo mga momshies

kanina lumindol daw po ndi ko kasi naramdaman pero nung nalaman ko wala naman po ako ginawa and di ko rin alam na may kasabihan pala,wala naman po siguro epekto yun kay baby...ang alam ko may kasabihan is masama daw po pag natumba habang lumilindol

pamahiin lang po yun pero wala naman masama kung susunod ka sa pamahiin ako nga kanina bagong gising pa pero di ko ramdam yung lindol wala din ako ginawa like maligo or mag ano ng suka at uminom ng tubig

wala akong alam sa pamahiin na yan,.. magkaganun pa man wala na akong inaasahan na mangyayari pa sa amin ng baby ko dahil wala na xa,.. hinihintay ko na lang siya na lumabas ng kusa,.

Diko po alam naramdaman ko po ung lindol nag pacheck up po kasi ako pero may nagsabe po saaken na babae kanina na dapat naligo ako pero Asa Clinic po ako Natatakot po ako ano po ba dapat gawin

natutulog ako nung lumilindol akala ko nag lalaro lang si baby kaya parang naaalog rin ako tas lindol na pala yun , uminom lang ako ng tubig kasi ayun yung nakita kong pwedeng gawin

ayon sa pamahiin pag lumindol daw dapat tumalon yung buntis para hindi maging cleft yung bata. pero nung buntis ako makailang beses lumindol, normal naman ang baby ko nung lumabas.