breastfeeding mom
Effective po ba yung malunggay capsule na sinasabi niyo? Parang nawawalan na po kasi ako ng gatas. 4 months old palang si baby. Gusto ko sana magpa breastfeed hanggang sa kaya ko. Pwede po makahingi ng sample pic ng gamot at srp?? Single mom at wala din kasi ko work kaya tingnan ko lang kung kasya sa bulsa ko. π π Thanks sa sasagot.
Sa month na yan nakapag adjust na dede mo sa needs ni baby kaya makakaranas kana ng soft boob pero di po ibig sabihin kulang gatas nyo po. Nakapag-adjust lang talaga yung gatas na, pino-produce nya lang yung kailangan na gatas ni baby. Pwede naman po kahit di kana bumili non, kung may malunggay sa paligid yun nalang gamitin ihalo sa mga pagkain na niluto mo. Natalac tini-take ko pag nagkakasakit ako kasi may iniinom akong gamot na nakakahina ng supply, 10pesos po yan per capsule. Pag gumaling na or regular days nalng, kuha nlang ako ng malunggay hinahalo sa luto para mas tipid :)
Magbasa padepende po yan sa kung anong hiyang ng katawan ninyo, may iba na effective sakanila pero sa iba hindi. kaya kailangan mag try and try para makita. π Natalac, Mega Malunggay, Life Oil ang usually nababasa ko na ginagamit nila, nasa less than 20pesos each capsule. Mabuti rin na kumain ng masasabaw and malunggay every now and then.
Magbasa pa