Baby Ace

EDD: September 18, 2020 DOB: September 4, 2020 13 hours in labour. 2 cm ako nung na-admit. At first I was confident na di ako mag tatagal sa labor room kasi I've read a lot about proper things to do while in labour, mga tips para mapabilis ang pag open ng cervix like squats and walking. Nag squats ako, pero they've told me to rest instead, para raw masave energy ko. I thought I knew everything. Akala ko lang pala. Because everything I've read, was useless. Di ko nai-apply lahat ng nabasa ko, simula sa pag lalabor hanggang sa pag ire, wala. Kasi sobrang sakit pala talaga, akala ko kaya ko yung sakit, sabi pa ng ob ko, parang di pa raw ako 4 cm nun kasi nakakangiti pa ako, antayin ko lang daw mag 7 cm ako, di na raw ako makakangiti. Totoo nga. 7 hours na nag lalabor, 7 cm pa lang ako, sobrang sakit na, sobrang hinang hina na ako dahil sa pag IE sakin ni ob. Inadvise niyang mag lakad lakad ako para bumaba pa si baby pero di ko na talaga kaya dahil nahihilo na ako at nasusuka sa sobrang sakit, nag sinungaling na nga nurse ko sa ob ko, pinag takpan niya ako nung tinanong ni ob kung nag lakad lakad daw ba ako, sabi ng nurse ko oo, kahit hindi. Buti na lang mabait si nurse. Nilagyan na rin ako ni nurse ng oxygen dahil hirap na akong huminga. I was worried na baka maka poop si baby sa tiyan ko, sa awa ng Diyos walang nangyari kay baby. Dati kinakabahan ako sa episiotomy, pero nung nasa delivery room na ako wala na akong pake sa sakit dahil ang gusto ko na lang mailabas ko na si baby. Wala na rin akong pake sa ob na nag sasabi saking umire ng di nag iingay, wala na rin akong pake kung maka poop man ako, nasa baby ko na lang lahat ng focus ko nung makita ko nang lumalabas na ulo niya, kahit makita ko pa kung pano nila hiniwa sa baba para lang mailabas si baby. Totoo yung sabi ng iba dito sa TAP, na hindi mo na maiisip yung sakit ng episiotomy pag lumalabas na si baby. Totoo rin na wala nang mas sasakit pa sa panganganak, pero totoo rin na pag nakita mo na si baby at naramdaman mo, wala na lahat ng sakit at pagod mo. Salute to all mothers out there na naka survive sa panganganak. Mas lalo akong nabilib sa mga nanay. Sobra sobra po talaga sakripisyo ng mga nanay, sa pagdadala pa lang ng anak, lalo sa panganganak, hanggang sa pag aalaga at pagpapalaki ng mga anak, buhay ng ina ang kailangang isakripisyo habambuhay. Kaya sa mga husband, be faithful and loyal to your wives, you will never know how much they've sacrificed for your family. Take good care of them, and love them with everything you have. I love you mama ❤️❤️❤️❤️

Baby Ace
33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello baby😊 Hindi talaga biro ang maging isang ina. In my case, nagamit ko yung breath in breath out sa paglelabor ko nun sa lo ko. Episiotomy din ako kasi malaki si baby at hindi pa rin ako marunong umire ng bonggang bongga hehe

4y ago

Same mommy, di rin po ako marunong umire kaya ayun, hello episiotomy 😂😂

congrats sis😊 haha ganyan din ako bago manganak kala ko mabilis Lang 😂 Pero nung 7cm na tinawag ko na yata Lahat ng santo sa sobrang sakit. mapapasabi ka nalang Lord Eto na ang una at huli 😂

4y ago

Thank you sis 🥰🥰 Totoo sis!!! Nakakatrauma yung sakit. Hahahaha

super hirap talagang manganak yung feeling mo na madali lang kering keri mo pero pag nanjan kna sa point na 7-8 cm na jusko talaga 😅😅😅😅 congrats mamsh !!! 😍

4y ago

Oo nga po ehh. Akala ko kayang kaya ko, akala ko lang pala 😂😂😂 Thank you mamsh ❤️❤️❤️🥰

You'll never know how brave you are as a woman when you gave birth or became a mom. ❣️ Women's are conqueror! Salute to all of us mommies 👋

4y ago

I agree, we're not 'just' moms nor 'just' women. We are 'THE' WOMEN. Indeed, salute to all mommies ❤️❤️❤️

congrats po EDD ko Sept 30 pero Mild Braxton Contractions palang ako kagabi sana makaraos na ako Lord please

4y ago

I'll pray for you mommy, good luck, kaya mo yan 🤗🤗

Super Mum

Hello po kay baby Ace 🙂 Congratulations po sa’yo mommy ❤️❤️❤️

4y ago

Hello rin po 😊 Thank you po mommy 😍😍❤️❤️

VIP Member

ftm 33 weeks preggy now..excited na pero kina kabahan din at in anxiety na

4y ago

thank u momsh 😘

Congrats po malapit na rin due ko sep. 27 and still white discharge palang

4y ago

Thank you po, malapit na yan mommy. Good luck po 😊😍

VIP Member

Congrats mommy❤ ang cute naman ni baby😍😍👼

4y ago

Thank you po mommy 😍🥰🥰

VIP Member

Congrats mommy 🥰😊 nkktuwa nkasmile si baby mo 🥰

4y ago

Thank you mommy ❤️❤️ Hilig po niya mag smile 😁😁