VALEN FIDEL (Strong FAITH)
EDD: September 15 at 3.8 kg DOB: September 7 Via Emergency CS MY BIRTHING JOURNEY September 7 at 3 am napabalikwas ako to pee pero hindi na ako umabot sa CR. Tuloy tuloy yung water leak ko Kaya I called my OB at inadvice niya na proceed na ako sa hospital. Pag dating Doon dumaan kami sa triage, sa tent na Nila ako kinuhanan ng dugo, nag IV at BP. 130/100💔💔💔 no pain, no contractions just water leak na sobra sobra. Naglalakad pa ako, nakaka ngiti at nakikipag usap sa mga nurse sa triage. The admitting doctor called my OB and I heard ICD Code issues. Naadmit na ako, tinurukan na ng pang dilate ng cervix at sinasabihan na if may pain I'll call the attention of nurses pero no pain no contractions pa rin hanggang dumating OB ko at 8 am. Na IE ako pero 2cm pa lang, then she notice na yung water leak ko is neconium stained. Chineck THS ko, sobrang taas, BP mataas pa rin, then my palpitations came. Alam ko na ang susunod. Though our birth plan includes CS pero hindi ko inasahang sa ganoong sitwasyon kami magjujump off ng desisyon. Gusto ko kasi mag labor Kaya ang birth plan namin maglalabor ako, Kung kayang I normal magnonormal ako pero ang kondisyon ni doc Huwag lang tataas thyroid ko. May Hyperthyroidism kasi ako. Bago pa man sabihin ng OB ko I decided to undergo CS asap because I knew the risk. Pina check na heartbeat namin ni baby, baby's heart beat was good mine collapses. While nakasalang sa NST room nakakaramdam na ako ng pain and contractions. Napaka sakit, naninigas si baby sa loob, nag struggle due to excessive na water leak ko. At 3:08 pm baby's out. I was awake habang ino open ako. They have to keep me awake, kinaka usap lang ako ng napakababait kong doctors (OB, pedia, anesthesiologist, surgeon) ang wala lang yung endocrinologist ko since she was from other town, though nagmomonitor siya from 3 am until Kaya ko pang mag update sa kanya. Nag passed out na ako after thanking them at nagising akong nagchichill, as in chilling at nakabalot ako ng thermal. Hubby was calling me to feed my baby kasi since 3:08 hanggang 8 pm wala pang nakain ang baby ko. Ang tagal kong tulog 😭😭😭😭 We transferred sa room namin, ang dami daming IV's, gamot at pain afterwards pero napaka buti ng Diyos. At my second day, Kaya ko nang tumayo at mag lakad although may struggles. Lalo na yung breastfeeding nakow po walang lumalabas sa akin na gatas, sobrang frustrated ko, umiiyak ako, sinisisi ko na lahat ng gamot ko sa puso at thyroid. Iyak pa ng iyak si baby, sobrang thankful lang ako sa hubby ko kasi ang dami niyang ways to entertain my baby, nalibot na Nila rooms sa hospital, taas baba ng ground floor to entertain lang si baby 😅😅 at second day clear na kami both pwede ng I discharge pero so pedia nakalimutan niyang magpa CBC ulit to test if OK na wbc ni baby so na extend kami ulit ng isa pang araw. Na laman kong ang nangyari pala sa akin ay premature eruption ng water bag due to hyperthyroidism, sumama pa si puso and all the palpitations Kaya nag struggle si baby, Naka poop pero God is great hindi siya nakakain at nagkaroon ng infections. I will be forever grateful to my doctors and to God for fulfilling a miracle. Faith tested buti na lang we had the strongest faith. 💕💕💕💕