Malapit na ba ako maglabor?
Hello, my EDD is Oct.9 pero kahapong 4pm, dinala nako sa ospital at walang tigil ang kakaihi ko. Nabasa nadin ang shorts ko. Masakit nadin ang tyan at likod ko pero mild lang. Sobrang tigas sa pakiramdam. So nicheck ng nurse, sabi close cervix pa daw ako. Pinauwi muna ako at sabi baka mamaya pa or bukas pa daw. Punuan din ang ospital at madaming nanganak kahapon. If ever daw manganak ako, sa hallway ako ipepwesto. Kung mkaramdam daw ako ng matinding pghilab or sakit saka nalang daw ako bumalik or pag lumabas na ang panubigan. 1st time ko magbuntis kaya no idea ako kng eto na ba tong nararamdaman ko. Mataas kasi ang tolerance ko sa pain kaya di ko mawari if false contraction pa ba nararamdaman ko or totoo na. So nung nkauwi na kami ng bahay ni hubby, nakatulog ako at feeling ko pagod na pagod ako. By that time, humupa narin ang sakit ng likod ko, pero ung sa puson masakit parin. Nagising ako bandang 7pm, ihi na naman ako ng ihi maya't maya at nagspotting nako. Mga dalawang beses. Kaya sa isip ko baka manganak nako neto maya maya. Pero nakatulog nalang ako ulit, hanggang ngayong 2:20AM, wala parin akong nararamdamang paghilab at nabawasan na ung pag ihi ko. Di ko mawari kng malapit na ba ako manganak o normal lng ba makaexperience neto days/weeks before labor. #firstbaby #1stimemom #advicepls