Edd- Oct. 24,2020
Dob- Oct. 22, 2020
Via emergency Cs
Loki Marley F. Garcia
Oct. 21 11 am nagpacheck up at IE ako sa lying in kase 2nd option ko yon para makatipid din tas 2-3 cm na daw. Pagkauwi ko naglakad lakad ako ng mga 3 oras tas mayat maya na nasakit yung balakang at puson ko tas mayat maya na din may discharge na dugo. Tas nung gabi ganon pa din. Ninerbyos na mama ko, so ang ending pinaadmit na ko ng hospital, then pagdating don. Minonitor yung hb ni baby tas bumaba sya nag 120 sya. Tas pinayuhan ako na baka daw ma cs ako kase delikado daw yon. So dun na lang ako minonitor sa delivery room hanggang sa dumating si dra. Nagtry pa din syang inormal ako, binutas panubigan ko, naglabor ako ng 4 na beses lang ata sumakit, kaso nung nabutas mas lalo bumaba hb ni baby nag 60 na sya. Kaya emergency cs na sya talaga, di na ko inintay na maglabor pa ni dra . And viola oct. 22, 1:44 am baby's out. Kaya pala sya nahina ang heartbeat kase siksik na siksik sya sa loob ng tyan ko at nadag-anan ng ulo nya yung cord nya. Pero Thanks god healthy at nakaraos kame ng maayos. Unexpected man yung cs pero sobrang thankful ako kase nakaraos kame ng maayos. 😊 Goodluck po sa mga di pa nakakaraos dyan.
Lyka Gomez Francisco