Emergency CS (Placenta Previa )
EDD Nov 12 DOB Oct 23 37 weeks and 1 day based on last ultrasound Just wanna share my story. Oct 23 ng hapon nagpunta na ako sa ob ko para ma ie na for the first time. Close pa cervix ko pero dinugo ako. Taz may buo buo pa. Pinaultrasound ako, nakita na nsa bandang baba yung placenta ko. In advise ng ob ko na i undergo na ako ng cs as soon as possible. Sakto din kasi kasabayan ko yung isang pasyente nya n same case s akin. Pero dahil ayaw nya ma cs, hindi sya nagpa emergency cs. After ilang araw, dinugo sya ng tuloy tuloy, as in napuno isang tuwalya, madaling araw pa daw nangyari un. Sinugod sya s ospital tapos na emergency cs. Wherein nalagay pa sa alanganin ung buhay ng baby. Dahil ayaw na maulit n mangyri un ng ob ko at ayaw ko rin nman ilagay sa risk ang baby ko, nagpa sched na ako ng cs nung gabi din na yun. Nilabas si baby na hirap sa paghinga kaya kinailangan na lagyan sya ng oxygen. Dapat maiiwan si baby s ospital pero salamat sa Diyos, okei na si baby. Kaya kasama ko n syang na discharge s ospital. Finally! Im an official mom at age of 36.