10 Days Old- Emergency CS

EDD- July 21, 2020 DOB- July 9, 2020 Hello mga mamsh ! Naka raos na kami ni baby :) Share ko lang birth story nya. July 8 at around 6:30 am nagising ako para umihi sana, pag tayo ko may lumabas sakin na tubig na mejo malagkit hindi sya super dami enough lang para mabasa ung panty ko at tumulo konti sa may hita. Sabi ko sa asawa ko tubig na to. Sabi Kasi ni Doc Basta tubig or dugo Ang lumabas pwede na ako magpunta sa clinic. So nagbihis na ako, nag almusal etc. Tapos Sabi ko sa asawa ko lakad na lang kami papunta sa clinic Kasi gusto ko matagtag. Mga 10 mins walk lang Naman Ang clinic, nag ikot pa kami sa bayan Kasi nag withdraw. Fast forward. I.e sakin 3cm pa Lang daw and intact pa Ang panubigan pero Pina admit na ako Ng doctor ko. Walang sakit, squats squats Lang ako sa kwarto. Nakakatulog pa kami Ng asawa ko. Dun na din kami sa kwarto nag lunch since naka swero na ako. Around 2pm nag i.e sakin si Doc, mataas pa din daw, habang Ina i.e nya ako nabutas ung panubigan ko. Ang daming tubig as in. Kasi hydramnios ung amniotic fluid ko, sobrang dami. Basang basa na ung higaan. Nag bed pad na. After ng i.e Pina Inject na sa swero ko ung pangpahilab at pangpa nipis ng kwelyo ng matres. Around 3pm active labor na ako. Pag check sakin 7-8cm na. Nag wheelchair na kami pa D.R. tuwang tuwa pa ako nun Kasi Sabi ko sa sarili ko Ang bilis Ng progress, 8 cm na agad di tulad sa panganay ko. Naisip ko bago mag dilim mailalabas ko na si baby. pag dating sa D.R ilang check pa 10 cm na pinapag push na ako pero mataas pa din saw si baby. Sakit na sakit na ako neto Kay push ako ng push pag nahilab. May kasabay ako sa D.R nanganganak. Tapos na sya manganak di pa din nalabas baby ko. Diko na mamalayan Kung ilang nanay na ba ung napaanak nila Hindi pa din ako nanganganak. Before 9pm sinabi sakin ni Doc pag di pa din ako mapaanak I c cs nya na ako. Ung isang kasabay ko sa D.R nag bleeding sya naririnig ko nag kaka gulo na sila pero naka patagilid Ang higa ko kaya diko nakikita. Naririnig ko Lang Sabi Ng doctor mahi hysterectomy daw ung kasabay ko. Matatanggalan Ng matres. Nagpaalam sakin si Doc na aalis daw sya mag oopera sa ospital, ililipat nilanung isang nanay since maternity clinic sila, di nila pwedeng operahan dun. Inihabilin nya ako sa mga nurse dun. So ako cge push lang pag nahilab. May dumating na Isa pang doctor, tinawagan na pala ni Doc since matatagalan sya sa operating room. Sinabi na sa kanya na tinaningan na ako ni Doc for CS. chineck ng bagong doctor ung pempem ko, Sabi nya push ko daw, so try ako, nakikita nya Naman daw Ang ulo, very good daw. Kaya ko daw I normal may awa Ang Lord. So lumakas Ang loob ko kahit pagod na ako, hiniwaan na ung pempem ko, pinadaganan na ako sa dalwang nurse, halos feeling ko puputok na Ang mata ko sa sobrang iri. Pero wla, after Ng hilab Ng ilang seconds nabalik si baby sa loob. Tagal namin na ganun, pag balik Ng OB ko Sabi nya "ma si CS ka na talaga" 11 pm na pala nun tagal ko na sa D.R. Sabi ko Kayo na po bahala doc. Tumawag na sila Ng ambulansya nilipat ako sa ospital. 12:05 nag start buksan tyan ko, 12:08 baby out na :) Nag double cord coil pala si baby, naka pulupot pusod nya sa leeg kaya kada iire ako nabalik din sya sa loob. Thank God Kasi malakas si baby at na survive namin Ang araw na un. Hindi po talaga masasabi Kung anong pwede mangyari sa araw Ng panganganak mo. Akala ko kakayanin ko mainormal pero may ibang plano si Lord. Kaya mga mamsh, pray Lang po lagi. Si Lord po Ang makakapag desisyon sa mga pwede mangyari satin. Here is my baby boy. 3.5 kgs :) Ang warrior baby namin na super strong kahit stressed na pala sya sa loob. Thank you Lord sa blessings !

29 Replies

na-cord coil din baby ko nung nasa delivery room na ako. 5 days before ako nanganak nagpa ultz ako and hindi naman naka-cord coil, siguro nung nag lalabor na ako likot sya nang likot kaya na cord coil pero thank God nailabas ko sya via NSVD.

Parehas na parehas tayo mamsh, samin din 1 week Lang Nung nagpa UTZ ako di Naman cord coil. Naka dalwang pulupot Kasi sya kaya di kinaya Ng normal Kasi nabalik sya kada after ire..

Tama ka jan sis kahit ako di ko inaasahan na maccs ako kasi pangalawa kuna to, kahit pala normal ka sa una pag may panganib kay baby no choice ka kundi pumayag magpacs.. congrats sis..

Opo nga mamsh, pag talaga may ibang plano si Lord mangyayari at mangyayari po..

ang brave mo sis sana ganyan din ako , ppano ako magging kagaya mo gayong needle lang sobra takot nko mahhimatay talaga ..congrats narin buti nkaraos kana

Salamat po mommy.. pag andun na po Kayo sa point na yun kahit anong sakit kakayanin nyo na Lang tlaga :) kalma Lang po lagi para di tumaas ang BP..

VIP Member

Totoo po sis ang sbi mo. Hindi ntn alam kng anu mangyayari sa pnganganak ntn. Thank God ang galing ng partnership nyo n baby. 👏👏👏

Congrats mommy and Kay baby.. Blessed po talaga Tayo palagi nv Dios.. Godbless po.😇😇😇🙏🏻

Oo nga po mommy, sobrang galing talga ni God..

kawawa naman si baby.. nag intay pa ng matagal kay doc.. buti nalang strong talaga sya

Oo nga po, buti na Lang po talaga. God is good po..

parehas po tayo ng edd pero still no pain paren pero congrats po😊

Congrats sau sis.. 1cord coil din baby ko edd to July23 sana makayanan ko.

Kayang kaya mo Yan sis.. kamusta po? Nakapanganak na po?

Hindi kaba muna nag pa utz sis para nakita kung naka cord coil baby mo?

Ahh getsko na sis. Siguro dahil nag double cord coil sya kasi marami yung amniotic fluid mo?

Ang laki na nya agad...exited tuloy ako..😊😊😊

Kailan po EDD mo mamsh?

Trending na Tanong