βœ•

Finally! 😍

EDD: July 18, 2020 DOB: July 18, 2020 3.7 kg Via Normal Delivery Share ko lang.... July 17 ng gabi worried na ako kasi due date ko na bukas pero no signs of labor padin ako which is di ko naman naranasan sa first baby ko na abutin ako ng duedate. So nung gabi pa lang kinausap ko na sya sa tummy ko na bukas labas na sya kasi baka mamaya delikado na or what. July 18, 6am pagkagising namin ng umaga habang nag aalmusal may nararamdaman na ako na contractions pero sabi ko sa isip ko baka normal na contractions lang na nangyayare everyday. Pinakiramdaman ko muna sya hanggang sa iba na yung contractions na nararamdaman ko. Paulit ulit na sya. Around 10am nagtext na ako sa lying in pinapunta na nila ako for check up lang. Pag IE sakin 3cm pa lang. Pinauwi muna ako, pinakain tapos inom ng primrose. Around 3pm, 2mins nalang yung interval ng sakit nya kaya nagdecide na ako na bumalik na sa lying in. Pag IE sakin 4cm palang, so pinag take pa ulit nila ako ng 2 primrose pra magbukas na ng tuluyan cervix ko. Hanggang sa tumindi na ng tumindi yung sakit ng mga 6pm pero pag IE sakin 8cm palang which is di ko na kinakaya ang sakit. Halos lumuhod na ako sa sakit. Then sinalpakan na nila ako ng isa pang primrose vaginally tapos sabi sakin ilakad lakad ko pa daw para before 7 pm nakapanganak na ako. Pero sabi ko gusto ko ng umire feeling ko lalabas na. 6:15pm pinapaire na ako pero malayo pa daw pinatayo ulit ako squat squat pero hindi padin naputok panubigan ko. 6:30pm nag try ulit ako umire pero hindi padin sya nababa. pinutok nalang ng midwife panubigan ko naka poop na pala si baby sa loob so kailangan ko na talaga sya ipush. Hanggang sa pinapasok na asawa ko sa delivery room para tumulong sakin. Mga 1hr ako nag try umire ng umire then final around 7:25pm the baby's out! Sa sobrang laki nya malaki din ang napunit and take note napunit sadya sa laki ni baby πŸ˜‚ But it's all worth it. Thank you Lord nakaraos na din πŸ˜πŸ’•

67 Replies

Congrats po. Ganda ni baby😍sana makaraos na din ako. 38 wks now. But still no sign of laborπŸ˜” very worried na.πŸ˜”

Thanks poπŸ˜ƒ

Wow congrats Mommy baby Godbless you always πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ™πŸ»πŸ™πŸ» Sana kami din Ng baby ko..

due date ko na den po ngayon sana makaraos na den but congrats!πŸ₯°

Super Mum

Mommy ang laki ni baby! Congrats nkaya mo hehe

Ang cutee naman po ni babycongrats po mommy

congrats po, Malapit narin ako manganak.

Congrats po

VIP Member

Cutie patotie! Congrats to the family!

cutie. Congrats mommy. ☺☺😊😊

Pano po yung primrose vaginally mumsh

Yung midwife po ang nag pasok sa vagina. Not sure kung binutas pa nya or hindi na.

VIP Member

Congrats po cute ni baby mo

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles