EDD: january 8 2020
DOB: December 5 2019
One week na ko nagrereklamo na sumasakit ng sobra yung tiyan ko pero di pa din ako nagpa check up kasi baka normal lang since 8 months na ko baka malakas lang gumalaw si baby. Then after a week puson naman na sumakit sakin. 3 times nanakit as in sobrang sakit mas malala pa sa nagka rregla. Di ko pa din un pinansin until nag gabi 11pm nanakit pa ti balakang at likod ko as in di ako mapakali sa sakit. Yun na ung sinugod ako sa ospital. In IE ako ang sabi 2-3cm na raw ako pero matigas pa rin naman daw. Hanggang sa dinala ako sa Operating Room ng 2am. Buong araw ako nakahiga lang at sobrang sakit talaga ng puson at tiyan hanggang balakang at likod ko. Hanggang sa nag 6pm bigla ako nilagyan ng parang gel sa likod. Un pala i C CS na ko bigla. Habang sini CS wala akong ginawa kundi mag dasal dahil tumataas ng tunataas BP ko sa sobrang nerbyos. Hanggang sa narinig ko na iyak ng baby ko medyo nakahinga na ko ng maluwag nun. Di ko manlang sya nahawakan dahil talagang nanginginig katawan ko at sobrang hilo dahil sa bp ko. Kaya napa aga ang panganganak ko is dahil sa Diabetes ko and stress. Naging diabetic ako since nung nag buntis ako. 8 months ko na nung nalaman 2 weeks before ako manganak. Nag iinsulin na rin ako. Pero Thank God! Hindi na kinailangan i incubator si baby dahil healthy naman daw sya at okay na okay na ang lungs nya and 3 kilos na agad sya. And isa pang Thank God dahil nawala diabetes ko :) MAAGANG PAMASKO SI BABY PARA SAKIN ?