EDD: January 20,2020
DOB: January 21, 2020
Twilight
Induced Labor ako mga mamsh, January 20 around 11 am nagpaadmit na ako sa hospital, 3 cm na pala ako. Sinaksakan ng dextrose. And around 2:30 pm saka ako nilagyan ng pangpahilab. By 4 pm, 4 cm palang hanggang 7 pm yun. No pain nakakaidlip pa nga ako. Then dumting ai OB ko, magdecide na daw kaming mag-asawa at dapat na daw ilabas si baby, baka daw sisihin namin siya na matagal daw akong maghintay tapos maccs din pala. Perk ako maiyak iyak na ako nun kasi ramdam kong nagmamadali lang so Doc kaya gusto na niya akong i-CS. Buti nalang anjan asawa ko na nagpapalakas ng loob ko na kaya naman naming maghintay kung kelan aakyat yung cm ko.
So naghintau kami, si doc umuwi muna. Nakaidlip ako tapoa biglang may gumagalaw sa dextrose ko mayamaya naghilab na tyan ko arouns 9:30 pm.. Pinatawag ko na asawa ko since nasa labor room ako bawal asawa dun, pero naawa siguro sakin yung nurse. Ramdam ko tinulungan ako ng bagong palit na nurse na mapabilis yung pag akyat ng cm ko, though matagal pa din pero mula nung inayos niya yung swero ko eh bigla nalang akonh naglabor. So to make the story short 9:30 to around siguro 6:30 am naglaalabor ako, puro sugat na nga kamay ng asawa ko. Nilagyan din swerk ko ng pain reliever kaya medyo ang feeling ko is groggy, sinasampal lang ako ng asawa ko para magising.
Hindi malinaw pano ako nakapagnormal del, pero naalala ko sa delivery room, sinisigawan ako ng OB ko na mali pag. Ire ko, which is hindi ko na alam gingawa ko nun. Sinisigawan pa niya ako na ginusto ko daw kasing magnormal eh kayanin ko daw. Yung tono ng panunumbat. Haha pero dahil dun eh pinilit kong ilabas si baby.. Totoo pala, labor lang tlaga mahirap.. Pagnailabas mo na si baby para knalang nagdahilan. Walang naging complications si baby.. Salamat sa Ama na gumabay sa amin.
Akala ko hindi ko kakayanin, pero basta ginusto natin makakaya natin. Meet our princess, Deeyne