WELCOME 2020 BABY ALAS KO ?
EDD: January 12 DOB: December 27 SHARE KO LANG EXPERIENCE KO ~ Kala ko talaga nun aabot ako january tapos biglaan sumasakit tiyan ko kala ko normal lang sa sakit ng nararamdaman ko araw araw bale dec 26 hapon sumasakit edi tinulog ko muna nagpahimas ako kay hubby ng likod para makatulog tapos gabi na nagising ako iba yung sakit nya kumpara sa nararanasan ko lagi pero di yung sakit na mapapaiyak talaga ko tapos natataranta na kami kung naglalabor na ba ko nagtanong tanong ako base sa mga nararamdaman ko na sabi nila naglalabor na daw ako edi ginawa ko na mga ritual na sinasabi nila uminom ako pineapple tapos pumunta kami sa lying in na pinagcheckupan ko andun na naman yung ie na pinaka hate ko sakit e ? sabi close cervix pa baka napagod lang daw nung pasko edi uwi kami maya maya pinapakiramdaman ko sarili ko nagpapray ako na kung manganganak na ko sana makaraos na ko di ko na hihintayin magjanuary kung lalabas na talaga sya tinawagan namin mama ng hubby ko para nga deretso na kami hospital kasi iba na talaga nararamdaman ko effective din yung pineapple talaga tapos primrose oil mabilis lang lumambot cervix ko di pa ko ganun nakaramdam ng hilab pero nasa 4-5 cm na ko agad 1 am pumunta na kami hospital kaso nanlumo talaga ko nung ie na naman paa nakapa inadmit agad ako ng cs worst feeling talaga halos tulala ako kasi di talaga ko ready sa cs natatakot ako kinakabhan ganun pero sabi ng hubby ko okay na din daw para di na ko mahirapan kaso sa isip isip ko mas mahihirapan ako kasi alam ko yung sinasabi nilang matagal talaga humilom yung sakit kirot lalo na pag malamig ? kaya ko sana inormal sa isip isip ko kasi mabilis tumaas cm nya tsaka di pa ko nakaranas ng iiyak talaga ko sa sakit ng labor ko ganun lang naramdaman ko manganganak na pala talaga ko 5:30 isasalang na ko sa OR para operahan na nanginginig talaga ko sa lamig kasi wala kong lakas hinang hina ako e kasi iccs ako sa isip isip ko nun si lord na bahala basta makaraos na ko maya maya pinatalikod ako pinayuko na parang baby na nanginginig turok anesthesia na tapos maya maya nararamdaman ko na yung manhid kaso nahirapan ako huminga kasi mabigat talaga sa baba ko natataranta na ko sabi ko patulugin na lang ako , 6:40 natapos nagising ako patapos na kong tahiin wala parin akong maramdaman tinignan ko yung board sa gilid nakalagay baby boy 6:13 am ko sya pinanganak kaso nung nagising ako wala yung baby ko hinahanap ko agad tapos naiyak ako kasi sa wakas nakaraos na ko mayayakap ko na anak ko maya maya pinunta na kong Recovery room andun pala baby ko pagpasok dun may baby na iniilawan di ko nakita mukha kaya akala ko di sakin maya maya umiiyak tinabi na sakin naiyak na naman ako kasi sabi ko ito na nakita ko na yung 37 weeks and 5 days kong inalagaan sa tiyan ko hanggang sa nilagay na ko sa higaan na tumagal ako ng 5 days nakaabot pa ko na magnew year sa bahay ? kaya sobrang thankful ako na mommy na ko kahit palaging gutom at lagi akong pinupuyat sobrang sarap sa feeling na maging ina na ? Goodbye january edd hello Dec talaga ko atleast nakasama ko na sya ng bagong taon ko ?? Healthy at sobrang cute talaga Welcome 2020 baby Jan-Ace Maximuz R. Ofiaza ?????❣️ thankyou sa mga tanong ko dito na nakatulong din sakin ?
Baby Jan-Ace Maximuz❣️