King Asaiah (The Lord hath Made)
EDD: Jan 29, 2021 DOB: Jan 19, 2021 @ 38 weeks & 4 days Via CS Weight: 3.6 klgs with chord coil I just want to share my experience mga momsh.. Jan 15 start na ako nag labor at excited na kami makita ang aming baby. Tuloy tuloy lang ang sakit hanggang jan 17 inom ako pineapple juice and kain ng pineapple lakad2 squat para mabilis bumaba. Pumunta ako ng clinic ng jan 17 para ma IE ako kasi nung 15 close pa daw, at ayun nga 2cm na ☺️☺️ pero biglang taas BP ko 😩😩 unexpected 130/90. Pinagrest muna ako baka daw kc nabiglaang sa pagkaka IE sakin. Then advice ni midwife go ako sa bahay nila ng hapon para ma BP ulit (kapitbahay lang namin ung midwife) nagulat kmi kasi hndi bumaba kundi tumaas pa 140/100 na siya so advice niya na pumunta na ng hosp para mamonitor na nila ako dun kaso gabi na kaya ginawa ng fam ko minonitor nila bp ko magdamag kasi baka excitement ko lang daw tpos naka timbre narin sa RESCUE (sila narin nag momonitor ng BP ko) just incase. Then kinaumagahan papa IE sana ulit sa clinic kaso may nagpositive daw kaya hndi na kmi natuloy(plan talaga siguro ni God na papuntahin na kmi sa hosp) kaya kinoordinate na ni midwife sa hosp which is public na pupunta na kmi doon. Pagdating sa hosp BP ulit 140/100 parin tpos pinacheck ng dra ihi ko kaya pala hndi na bumababa kasi may protein ung ihi ko although mild lang delikado parin daw kc pre eclamptic na ako and emergency CS na 😭😭. Swab test na kami agad ni hubby and thanks God negative kmi both buti nalang dinala narin namin lahat ng gamit just incase lang. Nung nakasalang na ako sa OR 160/100 na bp ko tpos during the operation tuloy2 ang bleeding ko deretsyo ligate narin ako kasi delikado na raw ako magbuntis. God is good and prayers are very powerful tlaga kahit gnun nangyari safe si baby at ako tpos right after the operation nag poop ako agad ng dalawang beses which is unsusual daw sabi ng mga nurse kasi usually 2 to 3 days daw bago mag poop pag CS. Amg hirap palang ma CS 😁 normal kasi ung dalawang anak ko. 😁😁 Sa ngaun po ok na nakakalakad at nakakagalaw naman na ako ng maayos mejo may kontis sakit pa pero tolerable naman na ☺️☺️
Mummy of 2 beautiful girls and 1 boy