My Callie

EDD: Feb 23, 2020 DOB: Feb 14, 2020 3040 grams via NSD Around 12:40 habang tulog naramdaman kong masakit puson ko. Umihi ako tas nakita kong may pinkish discharge na. Nag download ako agad ng app para malaman ko ilang mins interval ng contractions. Nagstart agad ng 5 mins yung interval. Sinunod ko yung nga breathing techniques na pinanood ko sa youtube nun tuwing sasakit tyan ko, mejo helpful naman kasi umabot ako ng 5am hanggang sa iba na level nung pain at 2-3 mins nalang yung interval saka kami nagbook ng grab pahospital. Contractions would last 30 secs pero masakit talaga, sabi nga ng OB ko it would be 7000x more painful kumpara sa sakit ng puson na nararamdaman natin pag nireregla. Nung nasa hospital na kht masakit natuwa ako na 5-6 cm na agad di ko maimagine yung ibang naglalabor na umaabit ng more than 24 hrs. Anyway, after IE sa emergency room direcho agad sa delivery room. Ang mali ko lang kumain ako ng kanin around 2am so hndi nila ko mabigyan ng gamot pampabawas ng pain, sabi kasi ni OB kumain muna ? or di ko lang din talaga na anticipate na ambilis ng labor. Pinutok ni OB yung panubigan ko and at 7:55 nalabas ko si baby. Promise sakin ni Doc na hndi ko mararamdaman yung hiwa, pero kailangan kong kayanin yung labor. Sobrang bilis iire ni baby. Smooth lang. Tsaka ang sarap sa feeling na ilalabas mo si baby. Di pa pala tapos ang pain after giving birth. Finally, nakalabas na si baby at need siyang padedein. Sobrang struggle tiisin yung sakit. Inverted nipple din ako kaya mahirap. Nagpadede ako sa hospital, isang araw lang kami sa hospital. Pagkauwi nung di ko na kaya nag formula kami. Pinagheal ko lang yung nipples ko, kumain ng masabaw at malunggay capsule. Ngayon exclusively breastfeeding na ko ? Di ko rin kakayanin lahat ng 'to without my partner. Kht na 15 yrs yung age gap namin. Lahat ng check ups ko kasama sya. Ginagabayan nya ko during my pregnancy sa pagkain ng sweets, kht minsan di ako matiis kasi iniiyakan ko yung ice cream. Tuwing humihilab din yung tyan ko anjan yung kamay nya para kapitan ko. Sorry ang haba ?

My Callie
44 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Congrats mommy. Ano Yung dinownload m app n katulong sa pag labor m. Try ko nga. Baka Maka tulong wala kase mister ko sa or as n manganak ako a sa trabaho..

5y ago

Contraction timer for labor

Congrats po! Nakadede po ba agad si baby sa inyo kahit inverted ang nipple nyo? Inverted din po kasi sakin and I'm worried na baka di makadede si baby.

5y ago

Okay po. Thanks!

Congrats po! I'm so happy for you that you didn't have to go through all of that alone. I'm also very blessed with my loving husband. ❤️

Aww❤ congrats mommy sana ganyan din ako kaoag manganganak na. Think positive lang po talaga. God bless po

congrats po. hehe! Ako minsan d mktlog kakaisip pano pag due date ko na hahah. Kabado 1st time mom po ksi ako eh.

5y ago

First time mom din ako. Kaya mo yan!

VIP Member

Congrats sis, Sana mabilis din ako manganak. At pag itakbo ako sa hospital Yung malapit n lalabas,.

Nakaka-inspire journey mo Ma. How I wish ako din ganyan lang kadali. 37 weeks na ako today :)

5y ago

Sinusunod ko din sa youtube yung nga exercise to activate labor. Wag lang magpapagod.

VIP Member

Congrats po! Nakakaproud ka po first time mom din ako in 2 weeks

Congrats! Ang cute naman ni baby naka smile na sya kaagad😊

Congrats and ...godbless to both of you