Team December!
EDD: December 31, 2019 DOB: December 25, 2019 3.5 Kilos Via ECS - Double Cord Coil FTM Thank you Lord! Nakaraos na kami ni Baby. Super worth the pain mga mommy. Sobrang titiisin mo yung sakit. Yung feeling mo na ayaw mo na, suko ka na, gusto mo na mawala yung pain, naiiyak ka na, nanghihina ka na, tipong nanginginig na buo kong katawan sa sobrang sakit. Huhu. Pero still nakayanan ko. Thank you God for the blessing. Napakagandang regalo neto sa pasko namin ni hubby. Thank you sa mga mommies na nagrereply sa mga tanong ko. After ko mag post nung December 24 about sa no sign of labor. Bigla may lumabas sa akin. Then tuloy tuloy na yun, sumasabay na rin yung hilab pero control ko pa yung pain. Nag start ako maglabor ng 8am hanggang 4am ng December 25. Mga momsh ubos lakas talaga, ang hirap nglabor ko. Then si baby, kaya ko naman inormal kaso hirap na siya bumaba, yun pala double cord coil. Huhu parang dalawang beses ako nanganak, isang normal na umabot ng 10cm tas isang Ecs. Huhu. Sobra yung pain. Akala ko di ko kakayanin. Nung sa ics na ako, groggy na agad ako, narinig ko na lang umiiyak si baby, then tinapik ako ng doctor sabi okay na si baby mommy wala na siya sa tiyan mo. Tas yung epek ng anesthesia sakin nanginginig buong katawan ko. Pero yun nga mga momsh sabi ko Thank you Lord! Its really worth all the pain. I have my baby girl now. I love you so much my baby girl. Kahit sobrang hirap natin atleast we did it! Mga mommies, na di pa po nanganganak kaya niyo din po yan, kusa lalakas loob mo tanging isip mo lang is yung makikita mo na anak mo. Napakasarap sa feeling! Share lang mga momsh.
mommy of 2