Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Boyd's Momma
Pa'share ng Experiences Mga MOMSH!
Hello mga Momshies. Pa'share po ng experiences nyo. Last week po ay 2cm napo ako. BTW 38 weeks na si baby sa tummy ko. Nakakaramdam nadin po ako ng pag'sakit ng puson like tumutulo yung pawis ko kapag sumasakit xa pero di pa naman abot balakang. May lumalabas na rin pong white na parang sipon sa pwerta ko 1st kanina po (9am) konti lang tas 2nd kanina naman (11:45am) at mas marami na xa. Sino po nakapag' experience ng ganito? Nanganak po ba kayo kaagad? Pa'share naman po. ? FTM here. Thank you po sa mga sasagot. ?
Hirap maka'poop.
Hello po mga Momsh. Sino po dito naka'experience na hirap mag'poop? 37 weeks na po si baby sa tummy. Umiinom na ako ng yakult, may gamot pa na prescribed ni OB, kumain na din ng papaya at pinya and inom ng maraming tubig pero hirap pa rin i'poop ?. Hirap kasi pigilan kasi masakit na sa tyan kasi usually it takes 2 days pa before ako mka'poop. Nakakatakot umire pero pag'hindi ko naman nalabas, sumasakit tyan ko. Kinakausap ko nalang si baby na need nadin ilabas ni mommy kasi baka masikipan xa sa loob ?. Ngayon lang rin po ako nka'experience ng ganito since ng'37 weeks yung tummy ko. Kayo po? Ano po ginagawa nyong remedy? Thank you sa sasagot.
FTM mom Here! Share po ano dapat gawin.
Hello mga mommies! FTM po ako. Sino po naka'experience ng biglaang pag'sakit ng puson na agad nag'connect sa bandang balakang? Like 1sec. lang xa pero ang sakit! Ganun po ba yung feeling ng ng'lelabor? Or sa kalikutan lang yun ni baby? Team first week of December po ako. ? Thank you po sa mga sasagot!
SSS
Hello mga Mamsh! Ask po ako sa my malawak na idea about Maternity Benifits from SSS? -9 years na po akong may contribution, kakahinto ko lang ng work this Sept. Tapos po nag'avail po ako ng Educational loan dati nung nag'aaral pa ako ng college na hindi pa nababayaran. 2017 po ako gumradweyt. -Posible po ba na mababawasan yung matatanggap ko na Mat. Ben. dahil sa Educational loan ko? Maraming salamat po sa makakasagot. ?
STRESS SA FAMILY
Share ko lang po yung nararamdaman ko these days mga momsh. As much as possible diba iwasan yung stress kasi masama para kay baby pero ang hirap iwasan kung yung nag'bibigay ng stress sayo ay yung sarili mong pamilya. Nakakainis kasi eh tas wala akong choice, di ko nman kayang talikuran kasi nga diba pamilya. Masama naba akong anak kung hindi ko mabigyan muna ng financial assistance yung mother ko as of now? Need din kasi namin kasi para sa pag'labas ni baby (di malaki yung income namin ng partner ko). Nakakasama ng loob kasi ako yung bunso sa pamilya (I have 2 sisters 10 years ang age gap namin) tas parang ako yung na'oobliga. Sabi ko sa kanila ngayon lang to kasi nga preggy ako pero di sila nakakaintindi. Kahit ano pinag'sasabi nila against me like pera lang dawhinihingi stress nadaw agad ako. Haaays. Worst is sinabihan ako ng mother ko na hindi xa aattend sa wedding namin ng partner ko. Ngayon ko lang namn need yung presence nila tas bakit ganyan pa sila? BTW guys, since 18 years old (now I'm 28) I'm earning my own money kasi di kami mayaman. Ginapang ko yung college ko para mka'tapos ako (working student). Dito ako na'stress kasi I never complained to them sa mga pinagdaanan ko. Pero bakit sila panay reklamo sa mga nabibigay ko?. Ang hirap kasi kahit bali baliktarin ko yung mundo, sila parin yung pamilya sila din mismo nang'dodown sayo.?
Skin rashes
Hello po. Ano po ba pwedeng gamitin na gamot for skin rashes na safe sa preggy? Thanks po.