Team December!

EDD: December 31, 2019 DOB: December 25, 2019 3.5 Kilos Via ECS - Double Cord Coil FTM Thank you Lord! Nakaraos na kami ni Baby. Super worth the pain mga mommy. Sobrang titiisin mo yung sakit. Yung feeling mo na ayaw mo na, suko ka na, gusto mo na mawala yung pain, naiiyak ka na, nanghihina ka na, tipong nanginginig na buo kong katawan sa sobrang sakit. Huhu. Pero still nakayanan ko. Thank you God for the blessing. Napakagandang regalo neto sa pasko namin ni hubby. Thank you sa mga mommies na nagrereply sa mga tanong ko. After ko mag post nung December 24 about sa no sign of labor. Bigla may lumabas sa akin. Then tuloy tuloy na yun, sumasabay na rin yung hilab pero control ko pa yung pain. Nag start ako maglabor ng 8am hanggang 4am ng December 25. Mga momsh ubos lakas talaga, ang hirap nglabor ko. Then si baby, kaya ko naman inormal kaso hirap na siya bumaba, yun pala double cord coil. Huhu parang dalawang beses ako nanganak, isang normal na umabot ng 10cm tas isang Ecs. Huhu. Sobra yung pain. Akala ko di ko kakayanin. Nung sa ics na ako, groggy na agad ako, narinig ko na lang umiiyak si baby, then tinapik ako ng doctor sabi okay na si baby mommy wala na siya sa tiyan mo. Tas yung epek ng anesthesia sakin nanginginig buong katawan ko. Pero yun nga mga momsh sabi ko Thank you Lord! Its really worth all the pain. I have my baby girl now. I love you so much my baby girl. Kahit sobrang hirap natin atleast we did it! Mga mommies, na di pa po nanganganak kaya niyo din po yan, kusa lalakas loob mo tanging isip mo lang is yung makikita mo na anak mo. Napakasarap sa feeling! Share lang mga momsh.

122 Replies

Same here sis. Grabe akala ko din d ko na kakayanin. Hirap na hirap na talaga ako nun at pagod na ako sa sakit. Pro nung biglang pag inject saken ng anesthesia dun lng ako nakapgpahinga sa sakit pro nanginginig yung mga kamay ko talaga grabe talaga yung pinagdaanan ko nung gabing yun as in grabeee. Congrats pala sis.

Kaya ngaaaaa as in. Akala ko katapusan ko na sis d ko na talaga kaya yung sakit grabeeee. Mabuti nakahabol pa yung anesthologist naturokan agad ako ng anesthesia. Ewan ko lng talaga kung d pa sya dumating ewan ko kung ano na mangyayari saken

Congrats momsh! Grabe tagal m naglabor, nakakagroggy tlga ung sayo. Parehas tyo 3.5 kls tpos double cord coil pa pero nainormal ko ung sakin, ndi dn bumababa si baby hnggang sa pinush nila tyan ko sinasabay sa hilab at ire ko, ayun lumabas dn kaso nakainom na daw ng panubigan baby ko kaya inantibiotic siya for 7 days

Truee momsh. Sobrang tagal ko nglabor. Isinakto niyang christmas. Sobrang worth it naman eh. 💕

Congrats Mamsh! Ako, waiting pa for signs of labor. So far, kanina lang na naglaba ako, nakaramdam ako ng hilab every after 5 mins. pero nawala rin after. Wala pa ring bloody discharge. Pero malikot pa rin si baby.

Mamsh, kahapon may konting brown discharge na ko before ako magpunta sa weekly checkup ko. Pero nung pag-IE sa'kin, ang sabi pabukas pa lang daw cervix ko kaya naglalabas na ng konting dugo. Ayun. Kagabi naman, nung nag-CR ako bago matulog, may lumabas ulit na parang sipon na may halong dugo. Konti lang naman lumabas pero nung nakakatulog na ko, nagigising na lang ako bigla dahil panay hilab ng bandang puson ko pero nawawala-wala rin. Konting araw na lang siguro aantayin ko. 😅

same po tayo ayaw bumaba ni baby kaya 23hours ako naglabor,cord coil din sya. ininduce tapos muntik pa ma-cs. sobrang sakit pero lahat kakayanin,anyway congrats momsh nakaraos kana 💕

Congratz po..ung sa panganay ko 8 yrs ago double cord coil tight, via normal delivery..ngaun sa bunso ko multiple cord coil via normal delivery din..thanks god

Wow mommy, congrats! Excited na kinakabahan na din ako, this january na rin sken kakainspire kase ganito hehe

Same as mine momsh.. Ecs din... 9cm na eh ayaw tlga bumaba un pla nakatingala nmn si baby di pwd hilahin.

Congrats po!! 🥰 Same tayo ng due date, mommy. Hehe. Pero ako di parin nanganganak till now :(

Goodluck po momshie kaya nyo po yn ni baby pray for safe delivery

Congrats sis..naimagine ko hirap mo...talaga bilib ako sa lahat ng mommies cs o normal man..

Congrats po! Praying for your fast recovery. Same EDD sana talaga normal delivery.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles