18 Hours of Labor ?? long post ahead

EDD: April 10, 2020 DOB: April 05, 2020 Share ko lng labor experience ko mga mamsh and sis. April 3 pa lang pakiramdam ko prang natatae lang ako. Pabalik balik lang ako sa cr tas pag uupo ako sa toilet bowl wala namang lumalabas. Akala ko nga constipated ako ksi kung dudumi man ako napaka liit lng at konti. D ko pinansin. Nag patagtag pa ako. Walking ako dto sa kwarto namin tuwing umaga 30 mins tas squats hanggang ilan kayanin ko (10-15 counts 3-5 reps) tas akyat baba ng hagdan namin (10-20 times pag sinipag 30 times) tiniis ko lahat yan pagtungtong ko ng 37 weeks and 4 days ksi nag pa i.e ako sabi ng nurse/midwife sa lying in na nag uumpisa na daw lumambot cervix ko. So ako naman dahil ayaw ko lumagpas ng EDD ko sinunod ko yung advise nya sakin na maglakad lakad at squats. Nung nagpacheck up ulit ako last march 31, 1cm na. Niresetahan ako ng evening primrose pra daw lalong lumambot cervix ko. Tas nung April 4 ng madaling araw nagcontact kami ni hubby ksi advise dn ng ob yun for natural labor. After namin mag do, medyo sumakit na yung balakang at puson ko pero d ko pinansin baka kasi napagod lng. Tnuloy ko yung routine ko sa pagpapatagtag nung tanghali ng april 4. Tas dahil sat nun, ewan ko bakit inaya ako ni hubby nag do ulit kmi. After 1hr may lumabas na sakin mucus plug tas panay pananakit ng puson at balakang ko. Tas 8 pm nagpasya na kmi pmunta sa lying in. Pag i.e sakin 2cm pa lang pnauwi pa ko nag aadmit lng daw sila pag 4-5 cm na. Bnigyan pa ko ng request for BPS ni doktora.nung gabi na yun Ramdam ko na hilab nun. nag track ako ng contraction, every 5-7 mins humihilab. Pnalipas ko yung gabi, after ko gumising ng 5 am masakit na talaga yung level ng pain parang 7/10. Naglakad lakad muna ako sa kwarto ng 30 mins khit msakit na pra pag pinunta ako sa lying in d na ko pauwiin. 6:30 am iba na yung pain d ko na maiinda. Nagpunta kmi sa lying in. Pag i.e sakin 5 cm na so admitted na nila ko. 10:40 sbi ko sa nurse d ko na talaga kaya yung sakit. Pag i.e 8cm na, pnapunta na nila ako sa delivery room. Tas pina ire na ko ni doktora kada may hihilab. 11:19 am saktong labas ni baby ❤ ang sarap sa pakiramdam pag lumabas na si baby ? To all april moms dyan kaya nyo po yan! Ang sakit lang po talaga ng labor pero mawawala lahat once na lumabas na si baby. Masarap sa pkiramdam marinig umiyak anak mo at alam mong safe sya. Praying for safe delivery sa lahat ng preggy moms ❤

14 Replies

Ako momshie due date Kona sa 9 pero wala paren kahit anong sign huhu naiiyak nalang ako sa sobrang worried ginawa ko naman na lahat ng sinasabi nilang gawin mababa naren tiyan ko pero wala pa talaga ko nararamdaman kahit ano

Lalabas naman po si baby paggsto na nya po lumabas. Advise po ksi talaga sakin ng ob na makipagcontact kay hubby at inom ng evening primrose po. Mag pineapple dn po kayo delmonte fiber po dapat. Kaya po yan wag nyo po istress sarili mo po 😊

Congrats mamsh ako 3cm na nung sat pa pero wala ko nararamdaman sana di ako mahirapan at sa lahat ng mommies 🙏 GIGATT

Pag nag do kayo ni partner sis pinutok nya ba ang similya nya sa loob ng yung pwerta or he do a withdraw 😊

Opo. As per my ob po, pampalambot daw po yun ng cervix naturally

Hello. Nung lumabas na po ba si baby nun nilinisan pa po ba ung bahay bata nyo?

Hndi naman po parang hndi ka naman mkakaramdam ng sakit ksi may anesthesia na ininject. Mararamdaman mo yung para kang hinahalukay sa kalooblooban pero hndi masakit hehhe. Kpag tinahi hndi ka dn makakaramdam ng sakit .ramdam mo lg dn ung pagdaan ng sinulid sa ano mo heheh. Yun nga lang kakapagod bumukaka naalala ko parang nanginginig na yung paa ko sa kakabukaka hehehe

sge matry ko nga mag do kame ng husband ilang months na ren wla ee hehe k

same EDD no signs of labor padin

VIP Member

Congrats mommy ,😍

Congrats momshie😊

Congrats mommy😊

Ako nga 48 hrs eg

Trending na Tanong