EDD: Apr 22, 2020
DOB: Apr 29, 2020
AOG: 40w 3d
3.4kg
via emergency cs
apr 28, 6:30am?lumabas mucus plug ko or yung bloody show na tinatawag. what i did is to pray and thank God for the sign then panay ang paglalakad ko. wala akong nafeel na any labor pain. i visited my ob on the same day for my last check up. nagbigay siya agad admitting order for induce labor. she told me not enough na ang water ni baby sa loob, chances are mahirapan si baby pag tumagal pa. arrived at the hospital at 2:30pm
sinalpakan ako agad ng swero at pampahilab. so as time pass by, nafefeel ko na ang sakit.
apr 29- at 8am talaga tumindi na ung sakit, was then 4-5cm.. so inorasan ako ni ob na mga 4-5pm lalabas anak ko.
my ob arrived at 3:30 para macheck ako, na-i.e ako then she told me nasa 6-7cm palang ako.. nakamonitor heart rate ni baby, instead na bumaba na si baby e umurong pabalik. sinabihan ako ni ob na i still got time.. basta goal labas si baby ng 4-5pm but then, nanghina katawan ko. di umaayon sa lakas ng loob ko. i asked for my husband to come in sa labor room and he then decided na cs nalang ako since that was the suggestion also of my ob as she saw us ni baby na hirap na. i never thought na ma-cs kasi ako, malakas loob ko na di ako ma-cs kasi 2nd pregnancy ko na to. na-nsd ko 1st child ko e.
5:17pm, apr 29,2020
baby out na ?
ang hirap mag undergo ng labor tapos ending ma-cs, talagang umiiyak ako nun, di ko maigalaw katawan ko but then, God is really amazing. and i am really thankful sakanya at nakaraos din ako, nakita din ng anak ko ang liwanag ng mundo. ?
the moment i heard my lo's cry, talagang parang may magic na bigla wala lahat ng pain na naramdaman mo. worth it talaga lahat.
mga mommies jan, makakaraos din po kayo. keep your faith in Him. God bless us all mommies ????
Me