4875 responses
Dalawang beses lumindol nung nagbubuntis ako sa pangalawa ko pero parehas di ko na feel hahaha, pero underweight siya nun e. Okay naman na siya ngayon. Pero tingin ko hindi naman nakakaapekto yung lindol kasi talagang taghirap lang kami non during those time na wala masyado makain. Ayun
😂 ngayon ko lang narinig pamahiin na yan ahh..tsaka ilang pag yanig ng lindol na experience ko last 2019 habang pinagbubuntis ko first baby ko, mahina hanggang malakas ok. naman baby ko pagkapanganak ko. haha
ako naman after na maglindol pinapakuha husband ko ng gumamela flower nang hapon at binabad yong bulaklak sa tubig din kinabukasan pinaligo sa akin nilagay sa timba..wla nman mawawala kong sumunod sa cnsabi nila.
Ginawa ko to.. Nung lumindol kasi dami nagtext na gawin ko daw.. E dalawang beses lumindol nun sa isang araw... dalawang beses din ako naligo... Hahahaha sabi ko Lord, stop na po yung lindol ayaw ko na po maligo. 😂
Madaling-araw lumindol nung buntis ako. Ginising kami ng phone call ng biyenan ko at magbuhos daw ako. Syempre sunod naman ako, ayun ang ending sinipon ako.😄
Totoo daw yan.. at pag naabutan kang nasa labas at lumindol mapapaaga ang panganganak mo.. tulad ko at lahat ng buntis samin..maaga nanganak..ng wala pa sa duedate..
Nalaman ko lang yan yung nangnak na ko.. kaya pala napaaga ang panganganak ko..kasi pag naabutan ka lindol sa labas..mapapaga daw..dapat july 28 pa due date ko..pero july 7 nanganak na ko hehe..at lahat ng kasabayan ko maaga na din nanganak..mag iisang taon na baby ko☺️
Sa akin noon sabi ng mama ko, buhusan ko daw suka iyong tiyan, tsaka maligo, hindi ko alam kung para saan, pero sumunod nlang ako😊
Ngayon ko lang narinig to.. hehe.. ang alam ko uminom ng isang basong tubig pra daw di mabugok ung baby sa loob..😂😂
Ginawq ko to nung nag ash fall kasi nakaramdam ako lindol. Wala naman masama maniwala, jusko maliligo lang naman hahaha
hindi. umiinom maraming tubig after lindol ou. yon sabi sakin ng biyenan ko sinunod ko lang😅😊
Mummy of 2 rambunctious cub