Badly need your advice mga momsh
Due to GDM nirerequest ako iconfine ng Endo ko for insulin gusto nya pababain ung blood sugar ko. Currently at 36weeks, though nag da-diet po ako pero base sa test mataas pa din pero hindi nman sobrang taas.. latest FBS ko 7.65 pero ang normal range 3.88 - 6.10. Ung first pregnancy ko po kasi halos same result po ng mga test ko regarding sa blood sugar pero hindi po ako nirequire ma insulin or i-confine diet lang po tlga.. Ok nman po si 1st baby ko wala po naging problem nung nanganak ako.. pero CS po ako due to cord coil. Mejo na nakakastress and hassle po para sakin mag pag confine naka prepare na po ung budget ko sa panganganak makukulangan po kami pag nag paconfine po ako before ma CS masyaso po kasing mahal hospital bills tapos required pa ung swabtest sakin and sa mag babantay. Mapapa stop din po ako sa work and hindi ko maaalagaan ung panganay kong 2yrs old though maiiwan sya sa mama ko. May part po sakin na ayaw ko sundin si Endo due to financial and halos same lang nman sa 1st pregnancy ko.. pero ayaw ko nman mag sisi if ever na may hindi magandang mangyari sa baby ko ngaun. Napakahirap po mag decide para sakin wala na po kami mapagkukunan pangdagdag sa pambayad sa panganganak.. may chance pa po ba ako makalipat sa public hospital at 36 weeks? Parang un nlang naiisip kong paraan para mas less ung gastos. 70-100k po kasi pinapa prepare samin for CS.. makakasave po ako ng 80k hanggang sa manganak ako.. pero pag na confine pa ako now baka mag bill ako ng 20-40k.. sobrang kulang na po tlga.. π #advicepls #pleasehelp #pregnancy