To All Momsh

Doc magiging spoiled ba ang baby ko kung parati ko siyang kakargahin kapag umiiyak? Sabi kasi ng iba hayaan ko lang daw at baka masanay at baka maging spoiled. Hindi po totoo na magiging spoiled ang baby kapag parating kinakarga. Dapat niyong alalahanin na simula nung pinanganak sya ay nagkaroon sya ng adjustment period. Dati nasa loob sya ng matress mo, medyo maligamgam ang swimming pool niya sa loob. Ang sustansiya niya ay automatic pumapasok sa pusod niya na galing sa kinakain mo, kaya halos wala syang nararamdamang gutom dahil matakaw ka , joke lang. Naririnig niya ang boses mo ng malinaw at kung tulog ka ang malakas na hilik mo naman. Joke uli. So parang may consistent na sound system sya. Sali mo na ang beat box na tunog ng puso mo na para syang napapahead bang habang kanyang pinapakiggan. Sa lakad mo palang ay parati mo syang nayugyug at naduduyan kaya ang sarap ng kanyang pakiramdam sa loob ng matress mo. Nung pinanganak sya ay biglang nanglamig ang balat niya. Parang yung feeling na lumabas ka sa dagat na may malamig na hangin. Gusto mo ng tuwalya diba? Akala niya ay panandalian lang at ibabalik lang sya uli sa maligamgam na swimming pool niya, pero hindi pala. So dadaan sya denial stage tapos acceptance stage para move on na sya. Sa mga stage nayan kailangan andyan ka upang di sya gaanong mahirapan sa adjustment. Isipin niyo 9 months yun! Isipin mo kung nagbreak kayo nung boyfriend mo na 9 months na steady kayo, gaano katagal ang adjustment period? Hugot ng konte. Mahina pa ang mata niya kaya di niya alam kung anong nangyayari. Ang sa isip niya ay iniwan sya. Isip niya ay wala syang kasama. Isip niya na baka may malaking ibon o halimaw na biglang kukuha sa kanya. Kahit kausapin mo at sabihin mong andito ako baby mahal kita di kita iiwan ay di niya ito naiintindihan. Para sa baby ang pagkarga mo at pagdikit mo ng katawan niya sa init ng katawan mo, kapag narinig na niya uli ang pitik ng puso mo at malapit na tunog ng boses mo at ang akap na parang nasa loob sya uli ng matress ay para sa kanya yun ang ibig sabihin ng , "I love you, I am here, I won't leave you". Kung gusto mong lumaki syang hindi insecure at confident, wag mong ipag-kait ang karga mo. Dr. Richard Mata Pediatrician #drmatakargaspoiledba #Repost #CopyPaste #CTTO

17 Replies

VIP Member

nawawala din naman pagiging clingy nila paglipas ng buwan. Bunso 17months na halos puro laro lakad bihira na magpakarga ako na nga mismo nakarga sa kanya at nayakap. Mabilis lang lumaki ang baby kaya sulitin ang panahon na sobrang attached saiyo pag lumaki na halos ayaw na mapayakap.

VIP Member

Mabilis silang lumaki kaya dapat talaga namnamin mo habang kailangan ka pa nila😪 Di ako nakinig sa sinasabi nila na wag kargahin ng kargahin. Bakit ba. Gusto ko lagi kadikit baby ko eh wala silang magagawa

VIP Member

ganda ng post. ngaun ko na realize kung gaano kahirap ung adjustment ni baby 😕 kala ko mas mahirap ung hndi ko pagtulog sa gabi .. mas mahirap pla nararanasan nya. thank you sa post na to.

Haha kaya nga. kinomment ko sa post nya 9 days old palang ang baby

kaya di ko rin pinaki2nggan yung mga oldies, kesyo masa2nay , mahi2rapan, wa aq pakels minsan lng cla baby, di naman habang buhay mo clang ka2rgahin,

Since i read this on facebook, lagi ko na kinakarga baby ko. Dati kasi wala pa xang month, sinasabihan ako ng mama ko na wag karga ng karga.

VIP Member

Truth.. Lagi sinasbi ng matatanda na wag kargahin ang bata.. Naku alngan naman hayaan nating mapagod sa kakaiyak ung baby nuh.

Thanks for the info..very well said.!!🥰🥰

Super love💕💕 my baby franco♥️❣️

Nakakatawa ka doc pero may point ka 😁

VIP Member

very well said po 😍

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles