Spoiled ba pag lagi kinakarga?

Doc magiging spoiled ba ang baby ko kung parati ko siyang kakargahin kapag umiiyak? Sabi kasi ng iba hayaan ko lang daw at baka masanay at baka maging spoiled. Hindi po totoo na magiging spoiled ang baby kapag parating kinakarga. Dapat niyong alalahanin na simula nung pinanganak sya ay nagkaroon sya ng adjustment period. Dati nasa loob sya ng matress mo, medyo maligamgam ang swimming pool niya sa loob. Ang sustansiya niya ay automatic pumapasok sa pusod niya na galing sa kinakain mo, kaya halos wala syang nararamdamang gutom dahil matakaw ka , joke lang. Naririnig niya ang boses mo ng malinaw at kung tulog ka ang malakas na hilik mo naman. Joke uli. So parang may consistent na sound system sya. Sali mo na ang beat box na tunog ng puso mo na para syang napapahead bang habang kanyang pinapakiggan. Sa lakad mo palang ay parati mo syang nayugyug at naduduyan kaya ang sarap ng kanyang pakiramdam sa loob ng matress mo. Nung pinanganak sya ay biglang nanglamig ang balat niya. Parang yung feeling na lumabas ka sa dagat na may malamig na hangin. Gusto mo ng tuwalya diba? Akala niya ay panandalian lang at ibabalik lang sya uli sa maligamgam na swimming pool niya, pero hindi pala. So dadaan sya denial stage tapos acceptance stage para move on na sya. Sa mga stage nayan kailangan andyan ka upang di sya gaanong mahirapan sa adjustment. Isipin niyo 9 months yun! Isipin mo kung nagbreak kayo nung boyfriend mo na 9 months na steady kayo, gaano katagal ang adjustment period? Hugot ng konte. Mahina pa ang mata niya kaya di niya alam kung anong nangyayari. Ang sa isip niya ay iniwan sya. Isip niya ay wala syang kasama. Isip niya na baka may malaking ibon o halimaw na biglang kukuha sa kanya. Kahit kausapin mo at sabihin mong andito ako baby mahal kita di kita iiwan ay di niya ito naiintindihan. Para sa baby ang pagkarga mo at pagdikit mo ng katawan niya sa init ng katawan mo, kapag narinig na niya uli ang pitik ng puso mo at malapit na tunog ng boses mo at ang akap na parang nasa loob sya uli ng matress ay para sa kanya yun ang ibig sabihin ng , "I love you, I am here, I won't leave you". Kung gusto mong lumaki syang hindi insecure at confident, wag mong ipag-kait ang karga mo. Dr. Richard Mata Pediatrician #drmatakargaspoiledba #Repost #CopyPaste #CTTO

Spoiled ba pag lagi kinakarga?
33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

c lo ko hindi nasanay sa karga.kc pag natutulog sya sinasabayan ko sya so nakadapa sya sa dibdib ko for 3months ganun ginawa namin mag asawa skanya.pag may gagawin naman ako tapos nakadapa sya sakin ililipat ko sya sa bed na nakadapa din hanggang paglaki nya nasanayan nyang nakadapa matulog. wala akong naging prublema na magka ubo o sipon sya o matuyuan ng pawis kc nakadapa na sya so hindi pinag papawisan likod nya kinukumutan ko rin kc sya para d sya lamigin.pero chinicheck ko parin likod nya to make sure na walang pawis o hindi sya pag pawisan.

Magbasa pa
5y ago

kayo po syempre nasainyo naman po un kung anong pniniwala nyo.hindi ko naman po iniiba paniniwala nyo kc may mga paniniwala din naman ako na minsan d ko maalis sakin.hehe. pero yan lang po e base sa naexperience ko noong baby pa anak ko.hehehe.

VIP Member

Reading this at 5am habang nakadapa sa katawan ko si baby dahil magbburp kakadede lang, nakakaiyak naman. Yan din lagi imik ng mga tao dito sa bahay kesyo hayaan umiyak umaga naman kesyo masasanay ng laging karga etc hays buti mahilig ako magbasa basa ng mga ganito dahil malaki pala epekto nun na akala natin maliit na bagay lang, malaking epekto pala un sa development nila kaya ako kahet di na ako makaalis sa kwarto namin dahil lagi kong karga si baby o laging tulog sakin okay lang ☺️

Magbasa pa
VIP Member

Hayss buti nalang wala akong pake sa paligid ko na wag sanayin sa karga ang baby ko. So kelan ko sya kakargahin? Pag malaki na sya? Ang sarap kaya kargahin ng baby natin lalo na pag umiiyak, tas pag kinarga natin titigil. Ang sarap sa feeling na natutulog sa dibdib natin si baby. Ang sarap sa feeling na karga natin lagi si baby. And remember minsan lang sila magiging baby kaya sulitin dapat. Di natin mamamalayan mlalaki na sila at sila naman ang di magpapakarga😩

Magbasa pa
VIP Member

Baby ko 5 mos old. Sanay sa karga. Madalas sinasabi nila na "yan kasi sinanay mo sa karga, di mo tuloy mailapag ngayon. Wala ka tuloy magawa" pero dedma lang ako. Di ako nag sisisi na sinanay ko sa karga anak ko, o wala akong magawa. Minsan lang sya baby. Alam ko pag dating ng araw na malaki na sya, mamimiss ko yung stages na ganito.

Magbasa pa
VIP Member

Yan din sabi ng mga kapit bahay namin.sinanay ko daw sa karga anak ko kaya ma bisyo at sumpungin.ayaw daw tuloy pababa.pero sa totoo lang mali sila.kase ang anak ko habang lumalaki gusto nya nasa kama para mag laro.oo nasanay sya sa hele at laging karga pero pag tagal tagal mas gusto nya nasa kama.Kaya di totoo na pag laging karga masasanay.Mali🙂

Magbasa pa

Im glad di ako nakinig sa sinasabi ng karamihan na wag sanayin sa karga etc etc. I know she needs my warm hugs to comfort her.. At iba din yung feeling na ang himbing ng tulog nya pag hawak or nasa dibdib mo sya.. Lalo nat minsan lang sila baby.. Pero yung mga moments na yun ill forever cherish. ❤

Magbasa pa
VIP Member

Awww 🥰 buti nalang di ako masyadong nakinig sa kanila kahit pinagbabawalan nila ako na kargahin lagi si baby ko 🥰 saka ansarap kaya sa feeling na lagi mo siyang nayayakap tapos ngingitian ka niya 🥰 saka cherish every moment kasi pag lumaki sila di mo na ulit magagawa yan

The best ang skin to skin contact. Ihiga mo lang sa dibdib mo near your heart kakalma agad si baby. Then kantahan mo siya and yakapin para maramdaman niya presence mo. Minsan umiiyak din si baby kasi hinahanap niya amoy ng mama niya. Subok ko yan sa baby ko ☺

Not true po. Why not spoil your baby with love? Iba naman po kasi yung spoil na kapag may hiningi, konting kembot lang bibigyan agad. Hanggang baby pa po sya ispoil nyo po with your love, kisses, embraces and cuddles.

Yes! Minsan lamg sila baby. Pag nagbinata at nagdalaga sila hindi na yan papayakap at papahalik so cherish the moment talaga. Karga, halik at yakap talaga ng marami 😍