Karga

Doc magiging spoiled ba ang baby ko kung parati ko siyang kakargahin kapag umiiyak? Sabi kasi ng iba hayaan ko lang daw at baka masanay at baka maging spoiled. Hindi po totoo na magiging spoiled ang baby kapag parating kinakarga. Dapat niyong alalahanin na simula nung pinanganak sya ay nagkaroon sya ng adjustment period. Dati nasa loob sya ng matress mo, medyo maligamgam ang swimming pool niya sa loob. Ang sustansiya niya ay automatic pumapasok sa pusod niya na galing sa kinakain mo, kaya halos wala syang nararamdamang gutom dahil matakaw ka , joke lang. Naririnig niya ang boses mo ng malinaw at kung tulog ka ang malakas na hilik mo naman. Joke uli. So parang may consistent na sound system sya. Sali mo na ang beat box na tunog ng puso mo na para syang napapahead bang habang kanyang pinapakiggan. Sa lakad mo palang ay parati mo syang nayugyug at naduduyan kaya ang sarap ng kanyang pakiramdam sa loob ng matress mo. Nung pinanganak sya ay biglang nanglamig ang balat niya. Parang yung feeling na lumabas ka sa dagat na may malamig na hangin. Gusto mo ng tuwalya diba? Akala niya ay panandalian lang at ibabalik lang sya uli sa maligamgam na swimming pool niya, pero hindi pala. So dadaan sya denial stage tapos acceptance stage para move on na sya. Sa mga stage nayan kailangan andyan ka upang di sya gaanong mahirapan sa adjustment. Isipin niyo 9 months yun! Isipin mo kung nagbreak kayo nung boyfriend mo na 9 months na steady kayo, gaano katagal ang adjustment period? Hugot ng konte. Mahina pa ang mata niya kaya di niya alam kung anong nangyayari. Ang sa isip niya ay iniwan sya. Isip niya ay wala syang kasama. Isip niya na baka may malaking ibon o halimaw na biglang kukuha sa kanya. Kahit kausapin mo at sabihin mong andito ako baby mahal kita di kita iiwan ay di niya ito naiintindihan. Para sa baby ang pagkarga mo at pagdikit mo ng katawan niya sa init ng katawan mo, kapag narinig na niya uli ang pitik ng puso mo at malapit na tunog ng boses mo at ang akap na parang nasa loob sya uli ng matress ay para sa kanya yun ang ibig sabihin ng , "I love you, I am here, I won't leave you". Kung gusto mong lumaki syang hindi insecure at confident, wag mong ipag-kait ang karga mo. Dr. Richard Mata Pediatrician #drmatakargaspoiledba #Repost #CopyPaste #CTTO

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

E pano un simula newborn ang baby ko ayaw nya magpakarga sa kahit na sino?

5y ago

Ngayong lumalaki na sya may times naglalambing magpapakarga sya. Pero ilang minuto lang magpapababa agad sya Oo mamsh nakuwento ko na yan sa pedia nya. Sabi nga ambait daw ng baby ko. Tahimik din sya hindi iyakin. Paggising nya ngingitian ka kaagad. Oo ginhawa talaga hindi ako napapagod magpatulog. Iwan ko lang sya jan basta busog sya maya-maya tulog na

♥️♥️♥️

VIP Member

💛💛💛

VIP Member