Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mumsy of 2 rambunctious magician
namumuyat
hello po. pa advice naman po. c LO kc is turning 1month bukas. everynight or minsan kahit hapon,pag inaantok na sya usually mga baby mag milk sila pag inaantok na db? anak ko kc ayaw nyang mag milk nagwawala pa sya iyak ng iyak tapos naka nganga sya na parang naghahanap ng dede pag binigay ko naman dedi nya ayaw nya niluluwa nya tapos umiiyak sya ng umiiyak.chineck ko namam diaper wala nan poop hindi din naman puno ng wiwi.walang rashes. pag hinele ko matutulog ng konte tapos bigla nanaman syang iiyak. everynight 3-4hours ganun sya.minsan pati sa hapon. napano po baby ko nun and ano pweding gawin? tia
breast milk
hello po sa mga nag breastfeed dito. pa advice naman po. kakapanganak ko lang sa baby girl ko nung may28.balak ko kc na mag pump lang ako ayaw kong isanay sa breast ko c LO kc iniisip ko baka mahirapan kami pag nag work nako ulit. so ngaun nag pump po ako may nakuha nako.ask ko lang po,pag nakaipon nako ng milk then lalagay ko sa storage bag then sa freezer. paano po sya painumin kay LO nun? i mean,paano sya initin? tia
early signs of labor
good am mga mommy. share ko lang po journey ko during pregnancy. sa 1st baby ko lagi akong umiinom ng pampakapit kc mula 5weeks palang sya nalaman namin preggy ako muntikan syang nawala samin. thankgod at hindi nya kinuha samin. until 4months inject dito inject doon para lumabas c baby. 5months narelax ako so nakabyahi nako kc sabi naman ni ob ok na sya. 6months ayun nanaman c contractions pampakapit nanaman until 8months. 9months ayaw na nyang lumabas. haha. so naover due na sya kaya ending na CS ako. ngaun sa 2nd baby ko mula 4weeks na nalaman na preggy ako until 30weeks d ko naranasan ung sa panganay ko ung mga contractions and mucus na lumalabas labas. kaya laba dito laba doon ako linis ng bahay tulak ng kabinet na mabigat para malinis ung sa baba. ginagawa ko un kc wala akong pain na naramdam as in.tapos sobrang likot pa ni baby. 31weeks nag start nakong magka contractions kay takbo kay ob agad. thank god kahit na under ecq tayo e nag oopen c ob para s regular check up namin ng mga pasyenti nya. 32weeks lumalala ung pain. 33weeks may mucus ng lumalabas sakin and contractions. 34weeks narest ako. 35weeks sakto 6pm sumakit tummy ko.akala ko masama lang tummy ko kc nung morning naka 2poop ako na malambot.kaya nung 6pm humiga nako tapos naglagay akong unan sa may pwit ko tinaas ko paa ko. naging ok nakatukog ako. kinabukasan naman same time 6pm sumakit nanaman sya. as in sobrang sakit. ung tipobg d nko makatayo sa sobrang sakit. nagchat ako sa ob ko then pinatakbo nya kong er.ung er diniretcho nyako sa labor room. pinahook ako ng ob then pina inject ng kontra hilab pati sa lungs ni baby para malakas ung lungs nya kahit na 35weeks palang sya lumabas.11pm pinauwi na kmi kc ok naman nawalan ng contractions ko. 6am balik kami hospital para sa 2nd vax ko sa lungs ni baby kc 3shoots un. nung 5am nag halfbath ako ok pa nung nakabihis nako nag wiwi ako pagkawash ko may nahawak akong malagkit na sumama sa kamay ko. un pala blood sya ung mucus na lumalabas sakin before may blood ng kasama. so send kay ob ng picture ng blood. sakto nasa labor room nko for 2nd shoots ng lungs ni baby sabi ni ob pahook ulit ako then baka admit nako manganganak nako. c hubby tawag kaagad sa mga parents namin. haha. tapos pinatransfer kami sa ibang hospital na may incubator para in case manganak ako ng 35weeks kailanganin man ni baby ung incubator andun na kami d na kailangan i transfer c baby ng ibang hospital kc sa panahon ngaun delikaso syang ilabas labas. pagkadating namin sa hospital diretcho ako ob monitoring chuba. haha. then hook ulit and ie. sabi ng ob doon close pa naman daw cervix ko. then tinanong nya konung may pain pa daw akong nararamdaman.sabi ko wala na po as in s buong 2hours na nakahiga ako sa bed nila wala akong pain na naramdaman kaya pinauwi nko. thank god again at hindi ako nanganak ng 35weeks. pero naka sched nako may22-25 na maCS na para daw hindi nako mahirapan sabi ni hubby kay OB.ngaun 4x ko iniinom mga pampakapit ko para umabot kami kahit may22 lang. buti nalang nakikisama c baby ngaun. thankyou po sa pag basa nyo ng long post ko. sana maging lesson po sating nga preggy na d porke wala tayong nararamdaman e cge lang tayo. inaabuso natin mga katawan natin kc ang ending pag napagod katawan natin pati c baby apektado.kaya more ingat po lalu na sa panahon natin ngaun. keep safe every one. godbleass
breastmilk
hello po.ask ko lang,sino po naka experience ng ganito?.. im 7months preggy po sa 2nd baby.sa twing naliligo ako nililinis ko po nipple ko.so kanina habang nililinis ko parang biglang may lumabas na milk. pwedi bang mangyari un? kahit wala pa c baby pwedi ng lumabas ung milk ko? and anong pweding gawin if ever na lumabas ng tuluyan ung milk ko habang nasa tummy pa si baby? tia.
28weeks preggy
hello mga mommies, ask ko lang po.may nararamdaman ako bandang puson ko. hiccup ba ni baby un o heartbeat nya? Thanks
sugat or what?
mga momshies ask ko lang naexperince nyo na bang magkaroon ng ganyan LO nyo? ano po yan? and may gamot ba para dyan? napansin ko kc sya lagi nyang kinakati likod ng tenga nya tapos kinana kinapa ko parang basa,e nakapatay na ilaw sa kwarto namin kaya inilawan ko sa cp ko pagkakita ko ganyan na pala.pasuggest naman po ng cream na pweding ipahid para d na iritable c LO.salamat po
summer vacation
hello mga momshie, malapit na bakasyon ng mga bata. may marerecommend ba kayong nagbebenta ng worksheet for incoming grade1? anak ko kc gustong gusto nya magreading comprehension,math and color din.last year kc pinag order ko sya online nung activities nya for vacay.maganda naman kc naadvance c LO sa school ngaun kaso d kuna alam sn ko sya napaorderan nun.if may marecommend po kayo pa comment nalang po.salamat
for my 2nd baby
hello mga momsh,ask ko lang po sana kung ano/pano ang gagawin pag nanganak na? kc sa 1st baby ko mix feeding po sya formula and bf.ngaun sana sa 2nd baby ko gusto ko i pure bf sya.naisip ko pano po pag nanganak nko hindi po ba need ng milk ng baby paglabas?pano kung wala pang lumabas na gatas sakin para maidede ni baby habang nasa nursery room sya? pa advice namn po.thankyou in advance
suportive husband
Share ko lang po. Im 20weeks and 2days preggy pero parang mas excited pa c hubby sakin mag pa breast feed.Binili nya kong electric breast pump and breast milk storage bag.hahaha. tapos sabi nya sakin bili na daw kami ng maraming storage bag.may nakita kc syang sale na storage bag kaya nasabi nya bumili na kaming madami habang mura daw.hahaha.2nd baby na po namin itom dun sa una d kami masyado aware sa breast feeding eh pero nagpa breast feed ako kaso for about 1 or 2months lang tapos nag pump nalang ako for 6months kc maliit utong ko kaya ayaw ni baby pero madami akong gatas. Sana sa 2nd baby madami ding supply ng gatas para may madonate din ako sa may kailangan. Nung una palang kc nagbabalak palang kami for our 2nd baby sinabi kuna kay hubby na mag papabreast feed ako tapos gusto ko rin mag experience ung nagdodonate ng breastmilk kaya cguro ngaun sinusoportahan nya ko.
gender test
hello mga momsh. ask ko lang po.nakapag try na po ba kayo ng baking soda gender test? pano mo malalaman kung boy or girl ung baby mo nun? hehe. thankyou po