Dito ko nalang sasabihin lahat ng hinanakit ko. Pag sinabi ko kasi ‘to sa iba at nalaman ng partner ko magagalit lang sakin.
Advanced thank you sa app na ‘to kahit papano nalalabas ko sama ng loob ko. Buti nalang may ganto. Wala talaga kong tao mapagopenan miski partner ko. :) pag naman sa friends/ fam ko nakakahiya lang tas pag nalaman ng partner ko magagalit sakin.
Anyway eto na. First trimester palang inistress nya na ‘ko. Napakaselan ko magbuntis non may HG ako (4mos bago nawala) hindi nya ko dinadamayan. Pag sinasabi ko puntahan nya ko lagi sya may dahilan. Pero nung di pa ko buntis halos araw araw na sa amin. Hays bumalik nanaman lahat ng sakit pag naalala ko. Dumating din sa point na nag away fam ko at fam nya dahil nga sa ugali nya. Kailangan ko lang ng atensyon ang dami nya ng dahilan. Obvious naman hindi sya ready sa nangyare. 2nd trimester ok ok na kami pero nandun pa din yung pagiging immature nya laging nag dodota kung di ko pa sasabihan hindi kikilos. Pag nag papauwi ako ng pagkaen sapilitan pa. Never ata sya nag kusa uwian ako ng pasalubong.. 3rd tri ganon pa din sya. Hanggang sa nanganak ako ngayon nakakaiyak akala ko may changes pag lumabas na si baby. Ganon pa din sya. Hehe wala lang sher ko lang wala na din ako magagawa kahit di kami kasal no choice na din ako may anak na kami e. Tapos isa pang iniiyak ko every night yung feeling na di nya talaga ko priority pag nag kukwento ako onti lang response nya, pero pag sya may kailangan todo buhos yung atensyon ko, naiiyak ako mga mamsh sa ugali nya parang nightmare tuloy araw araw ko na sya makakasama :( alam ko may mas malala pa dito pero kung maalaga naman si partner hindi naman siguro ko makakafeel ng ganito :( la lang gusto ko lang talaga ilabas.
Tapos lagi nya sinasabi walang budget sa wedding si baby muna. Pero pag sariling gadgets nya meron syang pang gastos. Ang sakit lang.
Pero bat ganon nasasaktan na ko sa kanya iniisip ko pa din yung kasal.. I’m a Christian anyway, gusto ko lang siguro nasa tama. Pero kung ganon naman si partner wala na ‘ko magagawa. Basta i’ll do my part focus ako kay baby.
Hay salamat nalabas ko na! ?
Anonymous