What should I do?! Rant.

Disclaimer: Mahaba-habang storya. Ganito kase yun. Stay-at-home Mom ako, si hubby ang nagwowork for us although may mga sideline ako like online business, and made to order foods (graham cake, macaroons, cassava cake...) So eto na nga, pang gabi ang sched ni hubby sa work. There are many times na maraming inquiry kapag time na ng tulog nya, so ang siste, alam ko ang galawan sa work nya para ako nalang ang sasagot sa mga questions, clarifications, violent reactions thingy... So bale pag home time na ako na pumapalit sa kanya para updated lahat ng reports. By the way Coordinator ang post ni hubby... So eto na nga, common issues pag morning time yung mga hindi makakapasok, kesyo ganyan, kesyo ganito... Mga walang valid reason. And there was this girl na adamat magresign. Sa dinami dami ng coor sa office nila, she was always looking for my hubby, kesyo para daw mag pasa ng resignation letter... At first walang problema sakin kase ang nasa isip ko sakop sya ng time ni hubby... Pero hindi, morning shift sya. To think na pang gabi asawa ko, at bawat shift hindi nawawalan ng coordinator... Nagduda na ako sa mga chat nya. 1st: "Sir, anong oras po duty nyo? Magpapasa po sana ako ng resignation letter ko..." (Hindi yan nireplyan ni hubby.) 2nd: "Kuya ____, hindi ka pa po ba papasok? Kanina pa kase ako dito..." (To think na kauuwi lang ni hubbu nung nag chat sya.) 3rd: "I will be waiting for you po ha, gusto ko na po kase talaga magpasa ng resignation letter e." (Morning ang shift nya, nagchat sya nyan ng pagabi na. Hindi ko pinapasok si hubby that night which is kagabi lang) Kaninang umaga; 4th: "I waited for you po, bakit hindi ka pumasok? Sayo ko lang po kase gusto ipasa resignation letter ko e..." (Dito na ako kinutuban ng hindi maganda.) I try to stay calm, nireplyan ko sya. I said: "Pang gabi duty ko. Nag RD ako last night." Girl: "Baket po hindi mo sinabi sa akin? :'( Me: Kelangan ko ba talaga ipa-alam sayo sched ko? Girl: "Opo... Hinintay pa naman kita kagabi... Pasok ka na tonight ha. I will wait for you po." I was so speechless. Hindi na ako nag reply... Hindi ko rin sinabi sa asawa ko na may nag chat... Kanina nya lang nakita and I was so shookt by his reaction. Nagalit sya sakin. Baket ko daw sinagot ng ganun si Girl... Hindi ako sumagot, instead nag kulong ako sa kwarto, pero hindi nya alam na naka-monitor ako sa convo nila... Nag chat si Hubby: "Sorry po, mejo moody ako sa chat kanina, masama lang po pakiramdam ko..." Lumabas ako sa kwarto at nasampal ko ng malakas si hubby... At para syang nagising sa katotohanan, bigla syang lumuhod at nagsorry sa akin... Nai-stress ako ng sobra, na kahit wala syang sabihin alam na alam ko na kung anong nangyari... Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Punong puno ako ng galit ngayon...

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sampal lang? Sana mas matindi pa dun ung ginawa mo... Hay nako! May mga lalake tlgang di makuntento at may mga babae tlgang makire wc is ang sarap sabunutan at balatan ng buhay.. So what happened nung nag sorry sayo? Once a cheater will always be a cheater.. Remember that.. And ikaw ang mag dadala nyan kasi palagi kna mag dududa sa knya kahit lumuhod at mag sorry pa sya syo... Nasa sayo pa rin ung desisyon, kame taga bigay lang ng opinion (based sa experience namen) Sana makaraos sa sa stress na nararamdaman mo ngayon..sabi nga nila, likipas din yan pero hindi ganun kadali/kabilis dahil araw araw mong iisipin ung ngyari.. Gabi gabi iisipin mo kung anong ginagawa nya sa work..

Magbasa pa
VIP Member

Obviously nagpapapansin po si gurlalo kay hubby mo mamsh.. Ilayo nyu na po si hubby sa kanya since sya po yung lapit ng lapit bago pa maging huli ang lahat.. Kayo na din po nagsabi na morning xa samantalang night shift naman c partner AT bakit ba namimilit talaga xa na magkita cla?? Sarap batukan nung girl, kung gusto nya mag resign, eh di magresign xa bat kailangan pa nya hanapin at hintayin ang asawa mo?! Ano yan jowa/asawa na patiently waiting for you 😂😂

Magbasa pa
5y ago

Sis, anong balita sa Breakfast na hindi malilimutan? Nacurious ako 😅

Kapal ng mukha. Ano pa hahanapin niya, may asawa na, nanay ng anak niya, assistant sa work and home maker! Layasan mo na yan! Kakapal ng mga mukha nila. Ako nagagalit for you. Napaka unfair. Nako, make sure na luluha ng dugo yang asawa mo bago mo tanggapin ulit. 😡 Ang dami talagang desperate na babae ngayon, alam na may asawa and anak na nilalandi pa din. Nakooo mas nakakahighblood yang asawa mo. Kadiri 😡

Magbasa pa

Nako. Yung hubby ko very vocal sa love nya para samin ni baby and malaki ang trust ko sa kanya pero di ko inaalis sa isip ko yung mga bagay na pwede nyang gawin kasama na yung ganyan. And minsan sinasabi ko sa kanya na sumbong nya sakin oag may lumalandi sa kanya at the moment talaga na mahuli ko sya wala syang mahahabol sakin. Thanks God nman ayaw nya sa mga makakating babae.

Magbasa pa

mga mommies..sb nga ng mga fengshui expert...year of the metal rat is year of the.mistresses....kya mag iingat daw mga mag asawa....kya ako sb ko sa asawa ko magloko ka kung gusto mo..kc malayo work nya and di nmin xa nkakasama ng anak ko..pero.eto lang masasasabi ko....pag nangyari un.wala kna babalikan at never ever mo ng makikita ang anak ko...

Magbasa pa
5y ago

exactly mommy...di nmn kawalan ang wala kang partner sa buhay kung wala din nmn kwenta ksama..or bibigyan kpa stressed sa life...id rather be single than having a wasted partner.

momsh preggy ka kya wag ka gagawa ng ikapapahamak ng nsa tyan mo ha.. atleast asawa mo.mismo nagpakita ng dahilan para mapatunayan hinala mo. mag usap pa din kayo.. wag mag rely sa snsbi ng iba na once a cheater will alwys be a cheater.. may mga taong umaamin sa pgkakasala at nagbabago..

Naglalandian sila. And sad to say may mga lalaki talagang nawawalan ng amor sa mga asawa nila kapag buntis na. Lalo pa kapag di nabibigay iyong nakasanayan nilang sex lifr hinahanap hanap nila ang init ng katawan. Sadly sa iba na nila iyon nahahanap.

Magtropa nga asawa natin. 😅 parehong parehong walang tigil sa mga ganyan. Pinagkaiba lang marunong magsorry yung sayo. Yung sakin, sakin pa nagagalit at pinagtatanggol yung isa. Pag nasampal, di pwedeng walang ganti. 🙄

VIP Member

Nkakaiyak nga yn sitwasyon mo mumsh kc halatado na may di tama syang ginawa pro ang mgagawa mo lng ngaun aii umiwas sa stress kc bka maapektuhan c baby mo palamig ka muna cguro dhil hbng mkikita mo sya mssktan ka

I feel you. Tipong kasama mo lang sa bahay pero nagagawa ka pang lokohin or gaguhin 😭 Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan ginawa ng hubby ko last year.. ang sakit pa rin talaga isipin ☹️☹️