To the father of my baby
Disclaimer: dont judge me dito ko nalang sasabihin lahat ng gusto kong sabihin para sa tatay ng baby ko. Hi, how are you? Nakakatulog ka ba ng maayos? Kumakain ka ba? Sana inaalagaan mo sarili mo. Alam ko na hindi mo mababasa to. Alam ko din na kahit pa mabasa mo to e wala kang pakealam dahil iba ang concern mo. Hindi ko alam bakit tayo umabot sa punto na ganto tayo. Kulang pa ba yung pagmamakaawa ko sayo, pagluhod ko sa harap mo at pagiyak ko para lang wag mo kami iwan ng anak natin? Hindi ko kasalanan na marape ako pero ikaw at ang magulang ko pa ang nagpapamukha sakin na deserve ki na marape, na kasalanan ko kung bakit ako narape. Kung para sa inyo/sayo kasalanan ko. Pasensya na. Pasensya na kung narape ako. Ang tagal kong nagstay sayo at pinatawad ka ng paulit ulit. Oo, choice ko yon. Choice ko na magstay ako, choice ko na patawarin ka at higit sa lahat, choice ko na masaktan paulit ulit. Sinunod ko na laha ng gusto mo. Kahit na labag sa loob ko na ipost sa instagram ko yung rape na nangyari sakin, ginawa ko para lang patahimikin mo na ko at ang anak natin. Para lang mapasaya kita. Para lang kami na isipin mo ng anak natin. Pero hindi pa din. Hindi ko lang minention don yung name nung nangrape sakin at hindj ko kinwento detail by detail nagpakagalit ka na ng sobra. Sabi mo sakin hindi ko sinusunod gusto mo. Ano ba hinihintay mo? Ano pa ba kailangan mo? Ginawa ko na lahat para sayo, kinalimutan ko na nga pati sarili ko mapasaya ka lang. Hindi pa ba enough yon sayo? Hindi pa ba kami enough ng anak mo para lang kami naman ang isipin mo? Hindi pa ba enough anak natin sayo para maging masaya ka at magpasalamat sa Diyos sa kung anong meron ka? Noong ikaw ang nagkamali ng paulit ulit. Buntis pa lang ako nangbababae ka na, muntik ako makunan sa una nating baby wala ka sa tabi ko kasi kasama mo barkada mo at babae mo gumagala kayo. Nagbakasyon kayo. Pero may narinig ka ba kahit na ako pa ang binabantaan ng babae mo? Wala diba. Pinatawad pa kita. Simula buntis ako hanggang ngayon na sampung buwan na anak natin may binigay ka ba na pera? Meron dalawang beses ka nagbigay 2,000 pesos lang. pero may narinig ka ba sakin? Wala. Kasi sabi ko baka madami kang pinagkakagastusan, inintindi ko pa din. Kahit na alam ko na sa motor mo at sa luho mo lang napupunta yon. Nung pangalawang baby natin na namatay wala ka sa tabi ko. Magisa kong dinala yung sakit at hirap simula noon hanggang ngayon. Pero wala kang naririnig sakin. Kahit na nakunan na ko at wala ka sa tabi ko dahil kasama mo barkada mo. Wala kang narinig sakin. Pinatawad kita. Paulit ulit kitang pinatawad. Nanganak ako wala ka sa tabi ko tapos nagagalit ka bakit di kita sinulat sa birth certificate ng anak natin. Eh wala ka naman sa tabi ko simula noon hanggang ngayon. Pero hindi mo ba napapansin ikaw pa din ang iniisip ko. Yung makakapagpasaya pa din ang iniisip ko na dapat kaming mag ina malang ang iniisip ko. Galit na galit ka kapag sinasabihan kita na walang kwenta. Bakit sa tingin mo may kwenta ka? Sobrang sobra na yung sakit at paghihirap at panghaharass na ginagawa mo at binibigay mo sakin. Enough na siguro lahat ng nagawa ko para wala akong pagsisihan sa huli. Enough na yon para isipin ko naman sarili ko at ang anak ko. Sana dumating yung panahon na magising ka at maisip mo na nawala yung magina mo dahil sa pagiging makasarili mo. Ingat ka nalang.