Palabas ng sama ng loob

Diko na kaya lagi nalang kami nag aaway ng asawa ko dati naman hindi sya ganyan nung una ko syang nakilala pero nung nag ka anak na kame kapag sumasagot ako sakanya at nilalaban ko yung mali nyang sinasabe at panget na sinasabe lagi nya kong sinasabihihan na sasaktan nya ako at totoo nga kung minsan nasasaktan nya ko tas after nun nag sosorry sya at di nya na daw uulitin naawa ako sa anak ko kasi ayoko lumaki sya na nakikita nya kaming ganun at umiiyak sya . Mag dadalwa na anak namin buntis ako ngayon natatakot ako sa future naming tatlo ng anak namin kung ipag pa tuloy kopa to pero diko din naman kaya makipag hiwalay kasi gusto ko buo yung pamilya namin pero grabe kasi yung ugali maikli sobra yung pasensya palaging galit aware sya na ganyan yung ugali nya at gusto nyang mag pa check up dahil nga mabilis uminot ulo nya. Ayoko ng antayin yun diko alam anong move gagawin ko para maka alis sakanya gusto ko sana mag bago sya pero diko alam paano. Wala akong trabaho pero may online business ako . Lahat ng meron sya ngayon ako ang may dahilan pati motor , cellphone. Kapag may problema financially ako tumutulong sakanya as in pati diskarte sa pag aapply ako lahat. Iniisip ko feeling ko kaya ko naman financially buhayin tong dalawang baby ko pero kailangan ko pa din talaga siguro ng aalalay sakin since 20 palang ako wala pakong masyadong alam sa pagiging ina pero hindi naman ako pabaya. Problema kopa yung pagiging mahiyain ko kaya hindi ako maka galaw ng maayos. ayoko naman po sana tumira sa bahay namin (kila papa/mama) kahit sabihin pa nila masarap ang hinihigaan at may masarap na ulam internet etc.. kungyung environment naman is sobrang toxic at puro alcoholic yung mga tao pag may nalalasing may sumisigaw :( hays diko na talaga alm saan ako lulugar at ng anak ko. wag nyo ko I judge please gusto ko lang ng advise yung makaka tulong sakin at mag papagaan sa nararamdaman ko please kung di din naman maganda i cocomment mo wag kana mag comment buntis ako kaya masyado akong emotional.

1 Replies

TapFluencer

Hi Mommy!! I understand po how you feel na di nyo po kayang makipaghiwalay kasi gusto nyo pong intact ang family mo. Pero, I just wanna ask you, worth it bang intact ang pamilya nyo if sinasaktan naman kayo physically and emotionally ng partner mo po? Remember mommy, you can choose your children’s father but your children cannot. If there’s one thing na tinuro sakin ng mom ko- is that never be afraid to stand up for your children kahit pa yung kaaway mo is yung mismong tatay nila. Kasi mommy, ikaw at ikaw ang shield ng mga anak mo. How can you protect them in the long run if you can’t protect yourself against sa nang aabuso sayo? Mahirap mommy, oo, pero you have to stand up for your children. Same din sa logic mo regarding sa pag-uwi sainyo, mommy. Aanhin mo ang kompletong pamilya kung ito naman ay toxic??? I sincerely and fervently hope and pray na you and your kids will be alright and will be able to get out of that situation soon. Pero I want to remind you mommy na the decision is still yours at the end of the day. And ikaw at ikaw lang din ang mkakapag decide for you and your kid’s wellbeing. Act soon and act fast mommy. You can get through this 🤗

Grabe naiyak ako kahit sa ganitong apps lang parang may kaibigan akong kumakausap sakin may gustong tumulong at kahit di mo kilala personally maraming salamat sa napakagandang advise medyo nabuhayan ako sa message mo mommy 😊❤️‍🩹

Trending na Tanong