baby with congenital heart disease

Di ko akalain na baby ko pa magkakaroon ng sakit sa puso. Ftm ako dati nung nasa tiyan ko palang sya gustong gusto ko na makaraos kasi 2cm palang pumutok na panubigan ko, kapag di daw nag open cervix ko ics na nila ako pero thanks God nakayanan kong inormal delivery si baby. pero nung nalaman ko na may sakit sya, naiyak nalang ako at gusto ko syang ibalik sa tyan ko para mas maalagaan. Day 1 of life ni baby halo halo na emotions ko, masaya at worried sa magiging future nya. Day 2 of life, sinabi sakin ng doktor na may naririning daw silang "murmur" indication daw yun na may butas puso nya, sobra talaga iniyak ko nun pero naging denial pa ako kasi wala pa namang tests na ginagawa sa kanya. 3 days old palang si baby na x-ray na sya, january 25, 2020 ang x-ray tapos nakuha namin results feb. 18, 2020 (puro pa kami follow up ng results nyan ah) nakita sa x-ray may retrocardiac pneumonia sya, ang nakakainis nun sa sobrang tagal ng resulta sa ospital na yun di tuloy namin nabigyan agad si baby ng gamot. 7 days palang si baby nagpagala-gala na kami sa taft dahil walang 2d echo dun sa public hospital na pinaanakan ko, sa tapat ng pgh kami nakakita ng pwedeng 2d echo, at nung naschedule na kami at tinignan na heart ni baby nakita nga na may butas puso nya (ventricular septal defect with pulmonary stenosis) yan diagnosis sa kanya, ibig sahibin may butas nga puso ni baby at may masikip na ugat sa kanya. parang saglit akong namatay, parang huminto yung oras, tumulo nalang bigla luha ko.. di ko akalain na sa baby ko pa mangyayari... hanggang ngayon lumalaban parin kami sa sakit ni baby, kung kailan sya ooperahan di pa namin alam.. Ipagpray nyo po ang pinakamamahal ko. Maraming salamat po sa nagpaabot ng tulong. LYANNE JOEL A. VILLAMOR January 22, 2020 HEART WARRIOR

baby with congenital heart disease
64 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baby ko din momshie. Nung lumabas na sya nalaman na may murmur sya ng stay kami 1 week sa ospital.cs ako. Nag antay kami ng mag 2d echo sa knya pero wala kaming naantay gang madischarge na kami. Last 2 weeks ago lng sya na ultrasound sa puso. Ventricular septal defect, small perimembranous kay baby ko may konting butas na makukuha namn po sa gamot. 2 mons akong hndi mapakali at nag antay ng result. Ngayon panatag na ang loob ko kasi alam ko she is doing well and I trust God na hndi nya pbabayaan ang baby ko( natin) stay positive and stay strong sis. Oo mhal ang gamot pero malalampasan din natin to. Prayers sent momshie.

Magbasa pa
5y ago

Buti naman po mommy magaling na po si baby mo.. yung sa baby ko po kasi kailangan pang operahan.. God bless po