baby with congenital heart disease

Di ko akalain na baby ko pa magkakaroon ng sakit sa puso. Ftm ako dati nung nasa tiyan ko palang sya gustong gusto ko na makaraos kasi 2cm palang pumutok na panubigan ko, kapag di daw nag open cervix ko ics na nila ako pero thanks God nakayanan kong inormal delivery si baby. pero nung nalaman ko na may sakit sya, naiyak nalang ako at gusto ko syang ibalik sa tyan ko para mas maalagaan. Day 1 of life ni baby halo halo na emotions ko, masaya at worried sa magiging future nya. Day 2 of life, sinabi sakin ng doktor na may naririning daw silang "murmur" indication daw yun na may butas puso nya, sobra talaga iniyak ko nun pero naging denial pa ako kasi wala pa namang tests na ginagawa sa kanya. 3 days old palang si baby na x-ray na sya, january 25, 2020 ang x-ray tapos nakuha namin results feb. 18, 2020 (puro pa kami follow up ng results nyan ah) nakita sa x-ray may retrocardiac pneumonia sya, ang nakakainis nun sa sobrang tagal ng resulta sa ospital na yun di tuloy namin nabigyan agad si baby ng gamot. 7 days palang si baby nagpagala-gala na kami sa taft dahil walang 2d echo dun sa public hospital na pinaanakan ko, sa tapat ng pgh kami nakakita ng pwedeng 2d echo, at nung naschedule na kami at tinignan na heart ni baby nakita nga na may butas puso nya (ventricular septal defect with pulmonary stenosis) yan diagnosis sa kanya, ibig sahibin may butas nga puso ni baby at may masikip na ugat sa kanya. parang saglit akong namatay, parang huminto yung oras, tumulo nalang bigla luha ko.. di ko akalain na sa baby ko pa mangyayari... hanggang ngayon lumalaban parin kami sa sakit ni baby, kung kailan sya ooperahan di pa namin alam.. Ipagpray nyo po ang pinakamamahal ko. Maraming salamat po sa nagpaabot ng tulong. LYANNE JOEL A. VILLAMOR January 22, 2020 HEART WARRIOR

baby with congenital heart disease
64 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommie wag k mawalan ng pag asa mag dasal ka at lakasan mo loob dhl sau lang ku2ha ng lakas ang baby mo ganyang ganyan aq nuon way back august 2006 ng ipanganak ko panganay nung una wla kme naging prob until 3days old xia ng bgla xia ubuhin ng ipa check ko xia sa pedia need nya dw nuon mag xray kc may halak dw xia tpos nung inextray nkita na heart enlargement xia agad kme transper sa pedia cardio pra mas macheck dw mabuti nag punta pa kme ng phil heart center at na confirm na may sakit nga xia sa puso nawalan na ko ng say nun nung cnbi ng doktor yun dagdag pa na pumatay skn yng sbhn ng doktor na gang 3y/o lng dw ang anak ko d dw kakayanin gumuho laht nun skn d ko alam gagawin ko diretso quiapo kme nung time na yun pag tpos nung punta nmn sa hospital na yun pro d pa din aq satisfied alam ko na kaya ng anak ko kaya para skn handa ko gawin lahat gang sa nag 2nd check up kme sa pgh sbi need dw maoperahan xia agad pra maagapan natulala aq aa price na cnbi 240k ang hinihingi pra sa cardiac catherazation na gagawin sknya ayun yng wir na idadaan sa singit nya papuntang puso nya pra maayus yung ugat ska yng butas nag isip aq paano ko magagawan ng paraan kabilaan ang mga tao na hinigian ko ng tulong 2am ng madaling araw pumupunta aq pcso mag isa khit lakarin ko lang ok lang ksa mamasahe iipunin ko na lng makahingi lng aq tulong mga consehal mayor congressma dswd nilapitan ko lahat pro kulang pa din gang sa isang araw may isang tao sa pgh na nag donate ng halos kalahati ng price na need sa operasyon ng anak ko nabunutan aq ng tinik nakahinga aq sktong 3y/0 na xia dec23 naoperahan na xia isang napakagandang pasko para skn at sa anak ko yun na naligtas xia gang ngaun na 14y/0 na xia maayus na xia although napaparanoid pa din aq pag nag kaksakit xia pro atlis alam ko na madali n lng yng skt nya ksa nuon awa ng dyos high school na xia ngaun binata na

Magbasa pa
5y ago

Salamat mommy sa pagshare, gumaan po loob ko

VIP Member

Sis keep praying po and as much as possible magipon din po 😔 at tatagan din po loob niyo. Almost same po ng case sa pamangkin ko. Sakanya medyo masikip butas sa puso and pag kalabas palang niya need na operahan agad hindi naman open heart surgery kaya wala siyang peklat stent lang yung process twice na siya ginanon, 4yrs old na siya ngayon at thank God kasi sumasabay madevelop yung heart niya kaya hindi pa niya kakaylangin operahan ulit and active naman siya at pinatigil narin yung maintenance niya na gamot at normal naman po siya hindi rin po mabilis hingalin or anything. Around 350-500k yung nagastos sa 1st operation niya sa PGH pa po ito sis around 2016 pa.

Magbasa pa
5y ago

Thank you sa pagshare mommy.. sa pgh din po kami nagpapacheck up

Baby ko din momshie. Nung lumabas na sya nalaman na may murmur sya ng stay kami 1 week sa ospital.cs ako. Nag antay kami ng mag 2d echo sa knya pero wala kaming naantay gang madischarge na kami. Last 2 weeks ago lng sya na ultrasound sa puso. Ventricular septal defect, small perimembranous kay baby ko may konting butas na makukuha namn po sa gamot. 2 mons akong hndi mapakali at nag antay ng result. Ngayon panatag na ang loob ko kasi alam ko she is doing well and I trust God na hndi nya pbabayaan ang baby ko( natin) stay positive and stay strong sis. Oo mhal ang gamot pero malalampasan din natin to. Prayers sent momshie.

Magbasa pa
5y ago

Buti naman po mommy magaling na po si baby mo.. yung sa baby ko po kasi kailangan pang operahan.. God bless po

VIP Member

Hi sis. Same s 1rst born q pero sakin ASD nmn. 6 yrs old xa nung nalaman na may butas ang puso nya. After q pong malaman un xempre nagulat tska naiyak nalang. Pero dapat magpakatatag kau kc.mararamdaman din ng baby nyo yan. Dpat po pa refer n kau s phil heart center para hanggat baby pa mapatignan nyo po xa. Pwede din kau lumapit s social service doon qng mejo hirap din s pera. Aq po half million ang hinihingi sakin pero nakiusap aq kc wla nmn kmi ganun pera. May ipapaasikaso lng s inyu at iinterviewhin kau para mabawasan po ang bill nyo

Magbasa pa
5y ago

En smin po nangyari after ma 2decho anak ko. Nagpa social service na kami. Don po pinaasikaso smin kailangn para s operation nya

I'm a ftm also. My baby girl has fetal hydrocephalus, scoliosis, meningocele and club foot left. I'm 7 months pregnant. I know how you feel. Masakit as a mom na hindi pa pinapanganak si baby pinaplano na kung anong surgeries ang gagawin sakanya. Sobrang maingat pag bubuntis ko pero nagkaron parin siya ng multiple congenital anomalies. I will pray for your baby as well. Stay strong mommy! ❤️

Magbasa pa
5y ago

God bless mommy!!

Keep your faith alive sis, God knows what's the best for baby, minsan di natin maiwasang tanungin ang Dyos kung bkit nangyayari ang mga ganitong bagay pero wag mawalan ng pag asa, just keep praying for Gods' healing for baby... Nothing is impossible if we believe and trust God, we will be with you in prayers for baby! Stay strong for baby ,God bless sis!

Magbasa pa

Hello, Momshie.. Magpray po tayo. Yan ang first resort natin, 2 Kings 20:5 " I have heard your prayers, I have seen your tears. Surely, I will heal you." yan po ang promise ng Lord sa ating sa mga taong nagtitiwala sa kanya. ibuhos natin ang lahat sa Kanya. God bless you and baby amazingly.

5y ago

Salamat po mommy

VIP Member

pray lang po mamsh. ung pamangkin ko may butas rin sa puso. nung bata un nangingitim lage ang lips nya. since di pa xa pwede operahan dinaan muna sa gamot. nung mga 9 yrs old xa tsaka xa naoperahan..ngayun ok na ok na. malakas na. tiwala lang kay god mamsh. praying for your littleone. 🙏🙏🙏

Yung anak po ng bestfriend ko kay butas puso ngaun 6 years old na and napakataba at bibo di din sia hinihingal or what not mukhang jormal na bata.. shinare ko lang para maramdaman mo n may pagasa at pwdng maging normal n bata padin despite his illness. praying for your son's fast recovery.

Hello mommy! Same po tayo ng situation, ung baby ko po noon PDA, may butas ang puso, hindi pantay (isa malaki ung isa maliit) naiuwi pa namin non si baby inabot lang sya ng 12days, please mommy tatagan mo ang loob mo magpray kayong tatlo ng asawa mo. un lang po