Hi, 'di ba most of us alam naman na mas magandang position for sleeping eh facing on the left? Kasi maganda sya for the proper circulation ng blood kay baby. Kaso paano po kaya yun kapag di ka makahinga kapag ang pwesto mo eh sa left? Nahihirapan po kasi ako huminga pag nakahiga. Matagal na akong di natutulog ng nakatihaya kahit 16 weeks pa lang tiyan ko lagi pong naka elevate ang ulo ko or naka left side lying ako. Kaso yun nga problema ko, di rin ako makahinga sa ganung pwesto. Paano po kaya yun? Sa right na ako madalas humarap ngayon kasi in an instant talaga nare-relieve yung hirap ko sa paghinga. Wala po kaya magiging problema yun? Will it still be okay? Naninigurado lang po. Thank you sa sasagot. :)