Breastfeeding Tips Please

Dear Mommies, Need your advice please, I am a first time mom to a newborn baby boy, via CS. Baka naman may tips kayo for breastfeeding. Medyo may caution pa ako sa pagkilos kilos. Okay lang ba itabi si baby sa pagtulog para subo na lang agad dede, at para makaunli latch na din? Need ba iburp after every feeding? Anong effective na nipple balm or any home made remedy?

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi. Need mo pdn ipaburp si baby. CS dn ako. Mas hirap ako dati sa side lying position kaya umuupo talaga ako pag pinapadede ko si baby tas after nun pinapaburp ko. Nung magaling na ung tahi ko after 2 weeks, sidelying na kami. Pag sa gabi at pinapatulog ko sya, di ko na sya pinapaburp. Pero sa buong araw once na dumede sya sken, pinapaburp ko for 15 to 30mins

Magbasa pa

medio mataas po ang ulo ni baby pg nagpadede ka para iwas samid, yes po need ipa burp every dede lalo at newborn para maiwasan na mapunta sa baga nia ung gatas kasi delikado po un.. pwede itabi syo pro make sure na gising ka kasi baka matakpan daanan ng hangin yung ilong niya ng di mo namamalayan..

Hi mommy! Yes you can do sidelying position po :) No need to burp the baby pero as recommended by our pedia, put him on a upright position para di po masyadong lumungad. For nipple balm, I recommend Orange and Peach or MQT. Pwede rin pala VCO. :)

Home remedy for nipple thrust after every feed mo kay baby mag wash ka ng warm water, lagay kana din ng petroleum sabi ng pedia ok lang makain ni baby pero ako nagwawash pa din before feeding. Tapos lagi dapat dry nipple mo in between feeding. Effective sya.

Pwede football para iwas sa sugat mo mama. Tapos wag ka na mag nipple balm. Sabi Ng lactation consultant mag express Ka lang ng milk tapos patuyuin mo sa dede. Mag heal Yun naturally.

CS ako. Mas mahirap mag sidelying pag bago kaya nakaupo kami mag BF at paburp pa rin every after feeding.

Cs ako sis.. pero cradle position pdin kami ni baby naka binder nlng tlg ko hanggang sa nakarecover na

VIP Member

CS ako mommy pero we did side lying position after 2 weeks na kase medyo hirap pa ako kumilos.

VIP Member

Yung sidelying position yung parehas kayu nakatagilid ni baby para hindi siya mabilaukan momsh

Try nyo po lanolin cream sa lazada.. effective po sya sa akin