Dapat pa bang magsupport sa magulang if may sarili nang pamilya ang anak? See the photo po.

Dapat pa bang magsupport sa magulang if may sarili ng pamilya ang anak? #advicepls

Dapat pa bang magsupport sa magulang if may sarili nang pamilya ang anak? See the photo po.
18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

breadwinner din ako Ang mahirap is nawalan ako ng work Ngayon dahil sobrang selan ko mag buntis . kaya pinahinto nako ng hubby ko Sabi nya sya nalang daw Ang susuporta Muna . pero Sabi ko hati nalang kami total may savings din Naman ako . ako Ang nag babayad sa rent ng Bahay at electric Bill SI hubby Naman sa allowance. nakaka sama Ren ng loob Minsan ung nanay ko Kasi parang Ang tingin nya sa hubby ko nagtatae ng Pera . naiinis ako kapag sinasabi nya mg pa Aircon kana Kasi sabihin mo sa Asawa mo bili na tayo ng Aircon Hanggang sa nabwisit na ako sinagot ko na sya . bat ba mag aaircon pa nakakhiya kaya ko Naman mag tiis ng walang Aircon at Chaka Ang mahal ng kuryente di mo ba naisip nay kawawa ung Asawa ko dahil kung tutuusin ako lang talaga obligasyon nya. alam mo Naman nag babayad kami ng condo monthly at Malaki ung Pera. Minsan Kasi nag stay ako samin every 2 weeks TAs 2 weeks sa hubby ko . pag na sa Amin ako Ang laki ng gastusin gawa konti kibot Wala na daw Pera lagi sinasabi ng nanay ko mahal Ang bilhin. alam ko Naman UN at marunonh ako mag budget Kaso nga lang di ako pwede mamalengke dahil sa case ko . nakaka iyak lang Kasi Minsan Ikaw pa masama . TAs one time tinanong nya pako mag Kano daw ba eka sahod ng Asawa ko . Sabi ko bat kailanhan mo pa tanungin Kako yun .

Magbasa pa
3y ago

totoo Yan sis . kaya kapag nag date kami ng Asawa ko diko na pinopost baka may masabi pa Ang nanay ko . kaya naten to ❤️

VIP Member

Kung kaya mo magbigay ng amount na makakapagpatayo sila kahit maliit na negosyo, ex. Sari-sari store, mas maganda. Para kahit di ka na makapag-provide sa kanila, may makukuhaan pa rin sila ng income nila at di naman nila masabi na pinabayaan mo na lang sila basta-basta. Right now kasi priority mo na dapat yung own family na bini-build mo and your parents SHOULD understand that. Pero I guess the best solution para maiwasan din na umasa pa sila sayo in the future, esp if nakapagbigay ka na ng panimula nila ng sarili nilang negosyo, is to LEAVE AND CLEAVE. Pagusapan ninyo mag-asawa at pagtrabahuhan nyo na makapagsimula din kayo separately from your parents para walang sisihan in the end from both sides. Best of luck sayo mommy and safe delivery soon! 🤗

Magbasa pa
3y ago

Meron po sila negosyo, si mama ko po binigyan ko po lagi ng puhunan or pandagdag sa sari sari store niya. Si papa ko naman po, binilhan ko pa ng tryk para mamasada. Ang kaso, gusto lagi pang bibigyan ng pang gas at pangrehistro, di man lang makaipon ng sarili. Buti pa ho mama ko, yung mga ulam naman namin nipprovide niya. I hope this time na minimal na lang ako magbibigay eh magsumikap lalo papa ko. Kahit wag na sakin, dun na lang sa dalawa kong kapatid.

well, nasanay kaae sila na ikaw ang nag ppropovide. ngayon since buntis ka. kausapin mo ng maayos ang parents mo na buntis ka at kelangan mong pag handaan, himayin mo sakanila ung mga repsonsibilidad na kaya mo lang like kuryente, tubig at internet. maiinitidihan naman sila siguro yun kung may pakielam sila sayo. hindi naman sarado ang puso ng mga magulang. usap kayo mahinahon. wag kang bigla nalang nd mag bibigay kase mashoshock sila. kunware "nay ito ang pang kuryente tubig internet at pagkain sa susunosd nay baka nd na ako makapagbigay ng pera sainyo kase pag hahandaan ko na po ang panganganak ko pero magbibigay parin ho ako ng kelangan sa bahay". ganon ba. sana mahing ok sana maunawaan nila.

Magbasa pa
3y ago

Opo, alam naman din nila ang gastusin sa bahay kasi sila nakakareceive ng mga bills. Madalas kasi nasa kwarto ako nagwowork from home. Sila pa nga napapakamot sa ulo kapag nakikitang ang laki ng bill.

hindi masamang magbigay sa magulang kahit na may sarili ka ng pamilya, pero yung ishoulder mo lahat ng gastusin, hindi na tama yun. may mga anak lang talaga na hindi makatiis gaya mo, pero isipin mo din na hindi na katulad dati ang sitwasyon. you're starting to build your own family. dapat nakakapag save ka kahit paano para sa magiging baby mo.. ako naman, ako pa ang nahihiya kapag di ako nakakapagbigay. halos 10 yrs din akong nagwork at tumulong sa family ko pero ngayong may asawa na ako, sila na ang madalas na nagbibigay sa akin..

Magbasa pa
3y ago

Totoo po yan. Kapag po di ako nakakapagbigay, sobrang hiya ko po sa kanila. Parang kapag magrerequest ko nagddoubt pa ako if magrerequest pa ako. Ang hirap kapag shoulder mo lahat at yung alam mo naman na may ikakahanap buhay magulang mo ( pinagkukuhaan ng income like sari sari store and tryk ).

Momsh tumulong sa nakakaya lang itulong at magtabi para sa sariling pamilya.. Priority mo na ngayon ang binubuo mong pamilya lalo na buntis ka pala. Totoo d mo sila mapapaalis.. At di talaga kasi nakaaawa din naman magulang mo yan e. Ang gawin niyo kayo ang bumukod ng asawa mo.. At kung di mo na kaya sumuporta sa motor ni father mo sabihin mo sakanya.. Di lahat kargo ng anak.. Kasi ikaw mismo mahihirapan kung kayo naman ng asawa mo ang mangailangan ng pera.

Magbasa pa
3y ago

No choice po talaga, inthe future po, bubukod na po talaga kami kapag nakaluwag luwag. Kasi kung aalis naman kami ngayon, bahay na lang ang babayaran ko, the rest ng bills sila na dapat which is sa nakikita ko di nila kaya. Kung wala lang talagang k-12 nakatulong na din sana yung isa kong kapatid samin.

kayo na po ang bumukod mag asawa. If may maiaabot okay lang kung wala okay lang. I hope maintndhan yan ng parents mo incase hndi ka na makakapagbigay sa kanila. gnyan din kme ng husband ko before samen kame nakatira pero di pa ako preggy non. Nung bumukod kame tyka ako na nabuntis hindi na din ako nkakapagbigay sa mommy ko pero if may occassions don ako ngbibigay o ngreregalo sa kanila at dinadalaw o dumadalaw pa din ako sa amin.

Magbasa pa
3y ago

Opo. Kawawa po talaga. Blessing po kahit papano na may work din si hubby. Pero unti unti na din niyang napapansin yung nangyayare dito sa bahay. Nagtatanung na siya kung "Bakit ganun si papa mo?" Si mama understanding pa ih. Oo agad kapag sinabi kong di ko kayang magbigay ngayon. Pero tatay ko, demanding. Tapos, parang sinisisi pa niya na buntis ako kaya di niya magawa yung plano niya. Like " Eh anung magagawa eh buntis yan".

May ibang priority ka na po, yung binubuo mong pamilya. Nakakalungkot lang kasi yung pinanggalingan mong pamilya mukhang makakapal ang fez, kahit dapat hindi na sa iyo umasa, ginawa ka na nilang bank. Paano ka makakaipon para sa inyo, lalo na para.sa future mo kapag ikaw naman ang tumanda? Kailangan nila matuto kumayod at magtipid. Huwag ka magpadala kung magalit sila o magdrama. Kasi gagamitin ka lang ulit nila.

Magbasa pa
3y ago

Correct po kayo. If you have had enough, time to let go. Tiis tiis kung may sabihin sila ha. Kasi forever sila aasa sa iyo kapag pinagbibigyan sila palagi. It's time na magfocus ka na sa sarili mo at sa pamilya mo na binubuo ngayon. Kudos sayo kasi alam mo ang dapat mong gawin at narealize mo na enough na yan. Pwede mo pa rin naman sila tulungan kung may extra ka. Pero kung wala eh next time na lang .

di ko po masuggest na bumukod kayo kasi buntis ka po mommy. hay kakalungkot po talaga yang sitwasyon nyo. ang masasabi ko lang po eh baka pwede nyo pong pakiusapan ang family nyo na since may family na din ikaw na sarili e maghati hati na kayo sa bayarin. maghanap sila ng way na magka income kahit papano tapos may bawas ka na din ng bayarin.

Magbasa pa
3y ago

iwas ka mommy sa stress, jan ka na lang nga muna sa room, if makakaalis muna kau jan sa bahay nyo na may makakatulong ka sa lilipatan nyo, mas mainam. Stressed din kasi ako nung buntis ako kaya naging maselan ako nagbuntis muntik na ako mapa anak ng 26weeks buti na agapan. i feel you mommy hays.

di masamang tumulong pero sumusobra na parents mong batugan. hinayaan mong gatasan ka nila so mahihirapan ka nang mabago yan sitwasyon mo ng di ka nagmumukang masama. kahit bumukod kayo, hahabol habulin ka pa rin ng pamilya mo para manghingi ng pera. you either cut them off or magtiis ka sa toxic family culture nyo.

Magbasa pa
3y ago

Agree. Minsan, tinuturuan din natin silang pala asa at batugan dahil di natin napapansin na natotolerate na pala natin yung ganung behavior nila

VIP Member

Bumukod po kayo. Panganay din po ako and breadwinner pero nakabukod po kami ng hubby ko and nagbibigay pa din ako sa mama ko and kapatid ko ng weekly allowance nila. Hindi ko na inaalaam kung san nila ginagastos ung pera. Kausapin mo po family mo para maunderstand ka nila.