Sino ang taga-hawak ng money?

Dapat ba mga mommy talaga ang may hawak sa family budget?

Sino ang taga-hawak ng money?
87 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Culturally, si misis po kasi sabi nasa bahay lang dapat. Ganon. Tsaka ang budgeting ay one of her responsibilities as a mother and wife. Pero now I think it depends na. Realistically kasi, hindi naman lahat ng babae magaling magbudget. Merong mga mag-asawa na si mister ang mas magaling magbudget. Meron din naman set-up like in a western culture na, hatian. Si misis ang may sagot nito, si mister naman ang may sagot ng ganyan. Depende po sa capability and/or arrangement ng mag-asawa.

Magbasa pa

Nasakin ang pera namin, pero since pandemic at buntis ako sya halos namimili. Nagseset kami kung magkano lang budget namin sa isang araw. Kung may gusto sya bilhin sinasabi nya naman sakin. Para sakin mas effective pag sya sana nagkekeep ng pera kasi impulse buyer ako, i tend to buy kahit di masyado kailangan. Medyo nababago ko na lifestyle ko pero minsan napapabili pa din online kahit di nakakalabas. 😂

Magbasa pa

sa case namin si husband ang may hawak and nag bubudget. binibigyan niya lang ako ng pambayad sa lahat ng bills ako nababayad(lahat online transaction.haha) para mas monitored din. ung sahod ko at sahod niya diretasyo sa isa pang bank account namin. dun hahatiin ano mapupunta sa savings txaka sa mga cost. choice ko din na siya mag budget since mas alam niya at magastos ako wahahaha ..

Magbasa pa

Hindi ko alam. Kasi samin, dinideclare niya kung magkano pera niya pero nasakanya parin kasi nasa wallet niya tapos pag may bibilhin ako, nagtatanong siya kung saan napunta. Ganon palagi.. kaya simula nun, kada may bbilhin ako, nililista ko kung ano at kung magkano. Ayoko kasi ng tanong ng tanong.. Lalo na nagsabi na siya sakin na di pinupulot ang pera

Magbasa pa

it depends mommy. nasa usapan niyo un ng partner/husband mo. sa case kasi namin ako humahawak. ever since kasi naging kami until magstart kami magplan para magpakasal, kusa na niyang sinusulit yung pera niya sakin. nagtitira lang siya ng allowance niya. or humihingi na lng din siya pag kelangan niya.

Magbasa pa

depende kasi saamin ayaw ko mag hawak ng buget 🙄🤣 duh sakit sa ulo haha mabuti nmn hubby ko magaling mag buget. Peru pag gaya ng parents ko na papa ko panay taya sa lotto mga sugal etc. mas inuuna pa kesa sa pamilya nararapat na Mama ko ang mag hawak ng pera kc burara sa pera kawawa mga anak.

Dahil pareho naman kami may work ng hubby ko sabi ko magipon sya para sa sarili nya mga gusto nya bilhin in the future tapos yung half para kay baby and grocery. Pero kusa nya binigay lahat ng sahod nya sa akin dahil may trust daw sya sa akin at isa din akong accountant mas wise daw ako sa money.

VIP Member

asawa ko. mas marunong kase mag budget ng pera pero pag nag pahawak na siya ng cash sa akin di niya naman kinukuha or tinatanong kung saan napunta pera binigay niya kaya naiipon lang sa akin pera di kase ako magastos kase binibili naman niya mga kylangan ko at sa bahay.

VIP Member

In our case.. mas magaling si hubby sa pagbabudget...❤️ kaya sya may hawak ng kaperahan namin.. nagugulat nalang ako.. marami na kaming ipon.. inuna nia muna talaga ang pera para sa panganganak ko.. very smart.. 🥰🥰🥰

Dpende sa arrangement. No hard and fast rule cguru. Samin kasi kanya2 kami. All baby needs pati bayad sa yaya sakin except for vaccines. Everything sa bahay, bayad sa bahay monthly at amortization ng sasakyan sa kanya..